Madami sa atin ngayon ang namomroblema ng kung paano kikita o kung saan kukuha ng pera, kaya naman maraming naghahanap ng legit home-based jobs.
Karamihan ng online jobs na available ngayon ay data entry, transcription, Virtual Assistant, appointment setter, article writer, editor, WFH (work from home) BPO jobs, social media manager, marketing manager, at mangilan-ngilang chat moderator/operator sa adult dating sites.
Karamihan sa mga trabahong inooffer online ay nag-aalok ng bayad na ang rate ay: USD, GBP, at EUR.
Maraming paraan upang matanggap ang mga sahod mula sa lehitimong trabaho online. Siguraduhin lamang na sa paggawa ng account para sa nasabing paraan ng pagkuha ng payroll, ay verified ang iyong online bank account upang hindi mahirapan sa pagcashout o pagtransfer sa inyong bank account.
Aling mga site ba ang nag-aalok ng home-based online jobs? Ang ilan sa mga ito ay:
Ito ay ilan lamang sa mga lehitimong sites na nag-aalok ng mga trabaho sa mga may experience at naghahanap ng experience. Nag-aalok din sila ng mga trabahong parttime, fulltime, at freelance Mula sa mga lehitimong kliyente.
Aling mga online wallets o e-wallets ba ang lehitimo?
Maaaring icashout ang inyong payroll gamit ang iba't ibang uri ng online wallets. Ang ilan sa mga ito ay: BCH (Bitcoin cash), Coins.ph, PayPal, TransferWise, Bitsafe, Payoneer, atbp.
Mag-set up lamang ng account gamit ang alin sa mga website na nasabi, hintaying marevified ang inyong account, at iyon ang gamitin sa pagkuha ng inyong payroll.
Paano malalaman kung lehitimo ba ang online job na inaalok sa akin?
Para makahanap ng mga lehitimong mga home-based job, ugaliing hanapin ang mga pangalan o website ng mga kumpanyang ito para maberipika ninyo mismo ang lehitimasyon.
Halimbawa: Adult dating sites
Ang Cloudworkers ay nag-aalok ng rate na 0.05 euro sa kada message na isesend mo sa isang customer gamit ang kanilang platform. Ito ay katumbas ng PHP 2.81 kada mensahe.
Malalaman na ito ay lehitimo sapagkat ito ay may website na maaari mong icheck sa Google tuwing kelan mo gusto.
Paalala lamang: Huwag isusugal ang pera sa mga messenger bots at hindi beripikadong captcha jobs online. Walang kasiguraduhan ang mga ito sapagkat walang magsasabi sa inyo kung ano ang mga maaaring gawin sa pag-payout. Madalas pa ay kakailanganin nyong mag-imbita ng ibang tao para lamang macashout ang pera nyo. Ilan sa mga hindi totoong captcha website ay ang mga url na .xyz sa dulo. [Halimbawa: cocomartin.xyz]
Bago magpatuloy sa kung ano mang trabaho online, ugaliing magtanong o magpaberipika sa mga tao sa online jobs sa Facebook, Reddit forums, at Quora.
Ika nga ni Susan Roces: "Wag mahihiyang magtanong."
Pag walang ulam, "Wag mahihiyang magtalong.", kapag walang rubber shoes or sandals, "Wag mahihiyang mag-takong." Biro lamang hahahaha
Kapag sigurado ka na at verified ang sites na nag-aalok sa iyo ng trabaho. Ituloy na at kumita ng pera. Kaya mo yan!
Espesyal na paalala: Kung talagang nais makasigurado, maaari mo namang hingiin ang valid id ng inyong recruiter kasama ng selfie nila. Pag ayaw nila magsend sa'yo, e mag-isip-isip ka na.
ui, very goooddd... may subscriber ka na <3 keep me updated