Ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease ay kadalan na nararamdaman natin minsan naman ay napapadalas kapag nagkakaroon tayo ng plema sa ating baga. Minsan gumagawa tayo ng physical activities maikli lang ang ating paghinga. Sa kadahilanang na ang plema o mucus ay naka bara sa mga ugat sa ating baga kaya ang oxygen na dumadaloy sa baga natin ay hindi nakakapasok at labas sa ating baga.
Ang Chronic obstructive pulmonary disease ay isang chronic inflammatory lung disease na dahilan kunh bakit nahbabara ang daluyan ng hangin saating baga. Sa mga taong may COPD ay mataas ang tyansa na ma develop ang sakit na: Heart Disease , Lung Cancer at iba't ibang kondisyon ng sakit sa respiratory.
Meroong dalawang komplikasyon na nakakapag bigay problema sa ating baga (COPD) ay ang mga:
Ito ang Chronic Bronchitis - Ito ay inflammation sa mga ugat sa baga o bronchial tubes, na nag dadala ng hangin galing sa ating air sacs ang alveoli ng ating baga. Ito ay sa kadahilanang madalas na pag ubo na may plema o mucus kaya ito nag babara.
Emphysema - Ito ang kadalasang kumplikasyon sa mga naninigarilyo o masyadong nakakapanghap ng mga usok.
Sa kondisyon na ito ang ating bronchial tubes ay dapat nilalabas ang mga plema para ang daluyan ng mga hangin sa ating baga ay malinis o walang plemang naka bara.
Halimbawa: Kapag nakakaranas ka ng ubo ng may plema ay maaring gawin na mag pakulo ng tubig at singhutin ang usok na galing sa tubig na nakakatulong para lumuwag ang daluyan ng hangin sa ating baga at nakakatulong din ito para ilabas ang mga plema.
Ang aleveoli at hanggang sa maliit na ugat o tinatawag na bronchioles sa ating baga ay nasisira o nagkakaroon ng problema na dahil nga sa paninigarilyo o sa mga nakaka iritang usok na nalalanghap natin.
Sa sitwasyon na ito ang mga maliliit na ugat sa ating baga ay nasisira at nag cocollapse kapag nag eexhale ng hangin palabas ng iyong baga.
Ano-ano nga ba ang dahilan ng COPD?
Exposed sa nga gases katulad ng sigarilyo, usok ng mga sasakyan, sa nag susunog ng gulong at sa usok ng pabrika o ano mang nakakairitang usok sa ating lugar.
Sa mga taong may Hika o asthma.
Tulad nga ng sinabi ko sa mga usok pero maari din natin makuha yan sa mga alikabok at mga chemicals na naamoy natin.
At syempre sa genetics na din yan.
Simple lang naman kung paano iwasan yan,
Magtakip lagi ng ilong o umiwas sa mauusok na lugar lalo na kung may allergy ka.
Ugaliing dumura o dumahak kapag may plema para di bumara ulit sa ating baga.
Kung ikaw naman ay may allergy sa usok huwag ng gumamit ng mga matatapang na pabango o ano man na nakaka apekto sayo.
Konklusyon, Maaring maiwasan kung ikaw maingat sa iyong kalusugan. Sinubukan kong mag tagalog kasi may nakikita ako na kapwa pinoy na nag tatagalog dito at napapansin din ni @TheRandomRewarder. Wala lang sinubukan ko lang. Ang mga ito ay aking natutunan lamang walang copyright na nakapaloob dito.