Minumulat ng panahon

5 52
Avatar for JvAnora
3 years ago

Ang sarap balikan ng pagkabata yung tipong ang iniisip mo lang ay paglalaro kadalasan pa nga ang tanging prinoproblema lang kung ano ang ulam niyo pag uwi mo galing sa laruan. Yung mga araw na gigising ka nalang para kumain at may kasama pang mainit na gatas o tsokolate. Nakikipag away ka pa sa ate at kuya mo sa remote ng tv para lang mapanood mo ang paborito mong palabas tuwing alas siyete ng umaga hanggang tanghali. Matutulog kapag tapos na kumain ng tanghalian pero gusto mo pang makipag laro sa labas hindi naman payag nanay mo. Katabi mo pa matulog nanay mo pero may hawak na pamalo. Kontibg kaluskos mo lamang eh magigising nanay mo sasabihan ka ng " Oh san ka nanaman pupunta, matulog ka papaluin kita. Dali mahiga kana". Nanginginig na kalamnan ko noon kapag narinig ko yon noong bata pa ako. Sa pagsapit ng gabi manunuod kayo ng buong pamilya niyo ng paboritong palabas na inaabangan tuwing pagkatapos ng balita. Ikaw naman ay makakatulog tapos pagkagising mo ng umaga nag tataka ka kung bakit nasa higaan kana.

Habang tumatagal at nadadag-dagan ang iyong edad hindi maiiwasang nagbabago na ang iyong pananaw nag sasawa kana sa mga laro at natuturuan kana ng magulang mo para tumulong sa gawaing bahay. Kadalasan pa nga na dapat jolen, teks, pogs ,bids ang hawak mo ngayon cellphone na. Natuto ka nading mag load ng sim gamit ang dinukot mong pera sa bulsa ng tatay mo. May nakakausap kana at nagkaroon ka pa ng Clan sa panahoon na iyon sikat na sikat ang salitang jejemon. Aminin mo sa nagbabasa nito isa kadin sa nakaranas nito. Diba? Dito pa nga una tayo na magpuyat at kadalasan pinapagalitan tayo dahil puro cellphone ang hawak natin. May pagkakataon din na sa text, eskwelahan at sa kalaro tayong unang kiligin at makaramdam ng paru-paro sa ating tiyan at dito rin tayo unang nasaktan.

Sa kada taon ng pangyayari sa ating buhay simula noong pagkabata tayo at hanggang ngayon na kung sino tayo? Hinubog at tinuruan tayo ng mga pangyayari sa paligid natin at sa bawat nangyayari sa buhay natin. Hindi mo naman masasabi na matured kana. Malalaman mo lang na matured kana kapag marami kanang responsibilidad sa buhay na dapat unahin kesa sa mga bagay na walang say-say.

Naiisip mo ba? Kung bakit mo binabasa ito? May naalala kaba sa pagkabata mo? Natatanaw mo ba ang layo ng iyong napuntahan at patuloy na umaabante sa buhay kahit anong mangyari. Hindi bale na mabagal ang usad basta nakikita mo ang pagbabago para sa sarili mo.

Nagpapasalamat ako kung bakit ano at sino ako ngayon dahil sa natutunan ko sa paligid ko at bawat nangyayari sa buhay ko. Swerte niyo nadin kung galing kayo sa balanse lang na pamumuhay. Marami tayong natututunan kaya minsan may mga bagay na pinaparanas sa buhay natin nakakayanan natin dahil minulat na tayo ng panahon sa maagang edad man o hindi. Maa-aring alalahanin natin ang mga nakaraan ngunit hindi na natin pwede balikan. Patungo na tayo kung ano ang plinano natin sa buhay.

Sa kalahatan na ito, sa mga nakabasa nito. Huwag kang panghinaan ng loob kung mabagal ang abante at proseso sa buhay mo. Ang mahalaga umuusad at umaabante ka. May kaniya-kaniya taying daan para sa ating mga pangarap pasikot-sikot man? Okay lang sa lahat ng ito may natututunan tayo. Magpatuloy lamang tayo sa tama at nais nating plano sa buhay natin.


Kumusta? Ako nga pala si Jv nagbabalik upang maglahad at nagbabahagi ng iba't ibang pananaw sa buhay.

https://noise.cash/u/JuanVicente

5
$ 0.15
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @charmingcherry08
$ 0.05 from @immaryandmerry
Sponsors of JvAnora
empty
empty
empty
Avatar for JvAnora
3 years ago

Comments

ang sarap magreminisce! hahahaha napapangiti nalang ako habang nagbabasa e hahahah lalo sa part na yung sa mga clan hahahhaa. grabe sarap bumalik sa pagkabata. pero looking back, dami nga talagang changes. and i'm so glad that those changes are for the better.

$ 0.00
3 years ago

Naks, ano ba name ng clan? Hahaha. Pasali naman. Hahaha joke. Salamat 💚

$ 0.00
3 years ago

hhahahha bhoom panes yung clan. with H talaga kaloka hahaha apakajeje hahahahahha

$ 0.00
3 years ago

Hey, welcome back. Missed getting notifications from you! Hahahaha. 😁 Ikaw pala si JuanVicente sa nc. OMG! I didn't know huhu. My fault.

$ 0.00
3 years ago

Oo ako yun. Hahaha salamat sa pagbahagi mukang nakakadami na ah. 😊👋

$ 0.00
3 years ago