Nagiging epektibo nga ba ang pag seset mo ng plano para sa kada taong pagbabago? New Year resolution? Pwede namang magbago kahit hindi new year. Umpisahan mo lamang sa sarili mo. Mahirap naman talaga ang pagbabago kung wala sa puso mo at hindi ka desidido para baguhin ang sarili mo. May mga proseso para dito at hindi dapat minamadali. Kahit sa maliit na paraan subukan mong baguhin ang hindi akma sa iyong pamumuhay.
Iilan lang dito ang mga dapat o sanayin natin sa sarili natin ang mga ss:
Baguhin mo ang mga maling kasanayan mo
Alisin mo unti-unti sa sarili mo ang mga maling nakasanayan mo. Maari ka namang sumaliksik na mas epektibong gawain para sa proseso ng pagbabago mo at pag papaganda ng iyong buhay. Katulad na lamang ng mga pag-aaral ng iba't ibang combative sports halimbawa ng arnis,taekwondo,boxing atbp..
O kaya naman mag ehersisyo tuwing umaga para sa pagbabawas ng timbang o na konsumo na mga bad fats sa mga pagkain para mapanatili ang kalusugan saating katawan. Pwede din namag gumawa ng mga mas nakaka tuwang gawain sa bahay katulad ng makipag kwentuhan sa pamilya, maglinis ng bahay, mag kumpuni ng mga sirang gamit at tumulong sa pang araw-araw.
Magplano ng kayang gawin at kayang pagtuonan ng oras
Ang ating pag paplano ay isang gabay para sa ating daan sa pag babago. Kailangan sa pag gawa ng plano ay maging spesipiko at detelyado ang mga gagawain. Kung gusto mo bang bawasan ang kanin para sa malusog na kalusugan? Iiwas na sa mga tsi-tsirya? Kailangan mong obserbahan bawat araw ang iyong proseso sa pagbabago. Isulat lahat ng gusto mong plano at tanungin mo yung sarili mo kung ang lahat ba ng mga ito ay makatotohanan para sa pagbabago mo. Magsimula ka sa maliit na proseso hanggang sa unti-unti mong nakikita ang magandang resluta. Kung hindi naman tama ang nagiging resulta? Konsultahin mo ang sarili mo at baguhim ang ang plano.
Mag umpisa sa maliit na pamamaraan
Isipin mo din syempre yung plano mo na gusto mong makamit kung ito ba ay short- term o long-term.
Himay-himayin sa maliliit na piraso at subukan mong ayusin para maging matatag ang iyong pag paplano. Hanggat sa makita mo unti-unti ang resulta ng plano mo sa pagbabago. Ang lahat ay nag uumpisa sa maliit na pamamaraan hanggat makamit mo ang iyong ninanais.
Baguhin ang ugali sa bawat oras
Kung sasanayin natin na palagi nating oobserbahan ang ating mga sarili makakamtam natin ang gusto nating pagbabago sa ating mga sarili.
Ang mga hindi healthy na pag uugali maari nating palitan ng mga healthy ones. Hindi pwede na sanayin natin na ito lang ang kayang kong gawin. Hindi, meroon pang hihigit dyaan at ito ay iwawasto sa tama. Kahit sa simpleng pag gising mo cellphone agad ang hawak mo? Kailangan alisin natin ang maling gawain na ito. Gawing makabuluhan ang buhay pagkagising magpasalamat sa Diyos at ayusin ang higaan.
Sa maliit na pamamarang pagbabago nakakabuo ng buo at bagong sarili.
Magkaroon ng kaibigan
Hindi naman nasusukat ang kaunti at maraming kaibigan. Basta ito ay mga totoo sayo. Ang pagkakaroon ng kaibigan o buddy ay malaki ang epekto sa ating buhay. Tayo ay na momotivate sa kanilang mga kuro-kuro. Panatilihin nating malusog ang ugnayan saating mga kaibigan, ka pamilya, ka trabaho o ano pa man. Lalo na magkaroon ng kaibigan na nasasabihan mo ng mga pagkukulang mo o ang mga tagumpay mo sa buhay. Malaki ang parte na magkaroon kaibigan sa ating pag babago.
Ako kasi mas pipiliin ko na may kabuluhan yung kwentuhan namin kesa sa walang laman na pag uusap. Ang ibig kong sabihin eh yung may saysay, yung may napupulot kang aral at na momotivate mo yung sarili mo. Diba?
Humingi ng suporta
Sa kaibigan man o sa ka pamilya. Humingi tayo ng suporta sa bawat tagumpay na nakukuha natin para sa sarili natin. Yung suporta na makakapag bigau ng rason na may care sila para sayo. Kung hindi mo man matagumpayan ang plano mo sa pagbabago humingi ng tulong o suporta sa ating mga kaibigan o kapamilya.
Mas maganda na may koneksyon ka sa malalapit mo sa buhay at magkaroon ng magandang ugnayan. Sobrang nakakataba ng puso kapag alam mong may nakasuporta para sayo.
Alam naman natin na mahirap sa umpisa ang pagbabago. Ngunit kailangan mong gawin para sa sarili mo at sa mga taong nasa paligid mo. Mas gawin parin nating makabuluhan ang ating buhay ay lumayo sa negatibong lugar o pag-iisip.
-JvAnora