Hello, Goodevening gusto ko lang ishare sainyo yung home remedy ko para sa asthma and now laking gulat ko halos 1 year mahigit nako hindi sinusumpong at ayoko nadin hikain. Now, sobrang thankful dahil sa dekada akong hinihika nawala na siya pero totally ang hika ay hindi talaga nawawala pwede itong bumalik pero share ko sainyo yung madalas ko ginagawa kapag sinusumpong ako.
Ano nga ba ang hika?
Sa aking opinyon at pananaw ay ang hika ay isang sintomas sa respiratory system kung saan ang daanan ng hangin ay na babarahan ito at sumisikip ang mga ugat saating baga, minsan ang muccus o ang plema ang sanhi nito o kaya ang pag ka allergy sa usok sa alikabok.
Nakakamatay ang hika kapag hindi inagapan lalo na sa mga bata o sanggol kung sinusumpong ang inyong baby mas okay na ikonsulta na agad sa doctor.
May tips o home remedy ako ayon saaking karanasan sa hika:
● Umiwas sa mauusok o maalikabok na lugar maaring takpan ang inyong ilong o gumamit ng surgical mask o kahit anong pwedeng pantakip sa ilong.
● Kape , uminom ng barakong kape. Nakakatulong ang barakong kape na makapag bukas o lumuwag ang mga ugat sa sumikip o sa daluyan ng hangin. Pwede niyo itong isaliksik.
● Humigop ng maiinit na sabaw.
● Kapag kakain iwasan ang malalansa. Isa sa sinabi sakin ng aking doktor na huwag kakain ng malalansa o matatamis dahil iihitin tayo ng ubo at hihikain. Halimbawa ay ang MANOK, ITLOG, ISDA etc. Bawal din muna ang chocolate.
● Kapag matutulog. Taasan ang unan o patungan ng unan at mag lagay sa paanan kahit isang unan. Ugaliing mag medyas upang hindi lamigin.
● Kung hinihika at inuubo na may plema. Mag laga ng luya at higupin ang sabaw o kung kaya ay magputol na parang candy at nguyain ito ay anti-inflammatory nakakatulong itong bawasan ang paghika.
● Kung may bisyo na paninigarilyo tigilan muna. Nkakabulabog ang usok sa baga.
● Iwasang makalanghap ng pabango. Maari tayong atakihin ng hika dahil sa scent ng pabango
● Kung may nebulizer kayo o ang kapit bahay niyo makigamit muna kayo bumili kayo ng hose nun nakakabili yun sa botika pati yung salbutamol na liquid meroon din nun sa botika.
● Ugaliing mahaba ang pag papahinga.
● Uminom ng mayaman sa Bitamina katulad ng Bit. C
● Uminom ng gatas
● Iwasan ang mga mamantika kapag may ubo at hinihika
● May nabibiling inhaler sa botika para sa hika magsadya lamang kayo sa malalapit na botika o drug store sainyo.
Ayun lamang, ganiyan lang ang aking ginagawa kapag hinihika ako madalas pa nga na hinihika ako na may kasamang ubo na may plema o kaya walang plema mas masakit sa dibdib yung walang plema. Ang pinaka mainam dyaan ay INGATAN ang ating mga sarili ugaliing mag ehersiyo kahit mga 30 minuto sa isang araw mag bilad sa araw sa umaga yung pagkasikat ng araw at hindi tirik yung araw ha. Uminom ng mga bitamina o mga food supplement.
Sana may nalaman kayo at natutunan sa aking inihayag na karanasan sa hika. Patuloy mag basa at makinig upang ang kaalaman ay yumaman.
Maari niyo akong i-subscribe at i-susubscribe ko din kayo mag komento lamang kayo dito. Maligayang pagbabasa!
Up vote tayo dyaan 💜
Nice information lodss. Madami pmo akong pinsan na hikain dpat sabihan ko sila tungkol dyan salamats lodi