Dahil nga sa pandemyang eto, kung anu-ano na lang ang kinalilibangan ng mga tao sa bahay nila. Maliban sa online selling at barter, nauso bigla yung pagtatanim ng halaman(houseplant) sa bakuran natin. Share ko lang yung isa sa mga halamang tanim namin sa bahay. Eto yung tinatawag na Purslane o Moss Rose. Kilala to samin bilang magic rose dahil sa katangiang madali etong itanim kahit na sa napakamainit na panahon. Kahit itanim mu to sa kahit na anung uri ng lupa, tutubo't tutubo pa rin. Ang mga sumusunod ay ang mga letrato ng Moss Rose sa bakuran namin.
Nice flower