The Long Wait is Over

7 18
Avatar for JulyAnn
2 years ago

So eto na nga. Tapos na ang aking paghihintay. Sa wakas dumating na...

Alam kong ito ay simula pa lamang ngunit tapos na ang aking paghihintay.

Pagkatapos kung mag-aral ng kolehiyo ay sumabak agad akong makipagsapalaran para sa aking mga mithiin sa buhay. Hindi madali pero kinaya naman. Abril taong 2017 ako nagtapos ng aking kursong edukasyon. Pagkatapos kong magtake ng Licensure Examination for Teachers noong Setyembre 2017, nagbalak akong pumunta ng Maynila at noong Oktobre nga ay umalis ako dito sa aming probinsya.

Pagdating ko doon ay agad akong nag-apply sa mga kompanyang sinabi sa akin ng aking kapatid. Kaliwa't kanan ang pagpasa ng Resume. Hirap, pagod, pawis at gutom ang inabot ko makahanap lamang ng trabahong aking mapapasukan. Alam kong malayo sa kuraong tinapos ko ang aking mga inapplyan, ngunit kung ito lamang ng dahilan upang makatulong ako sa aking pamilya at okay lang.

Gustuhin ko mang magturo sa aming probinsya ay hindi ko magawa dahil kulang ang oppurtunidad. May mga paaralan din naman, ngunit limitado lamang ang gurong kayang tanggapin. Gustuhin ko mang mag-apply agad sa publikong paaralan ay hindi ko magawa. Hindi naman sa paninira ngunit at ito ay base lamang sa aking obserbasyon. Ang pagpasok sa pampublikong paaralan dito sa amin ay talagang pahirapan. Kailangan kompleto mo ang lahat ng requirements upang malikom mo ang naayon na puntos. Kadalasan naman ay kung may kapit ka sa mga nakakataas ko may kapangyarihan ay mapapabilis ang iyong pagpasok. Ako ay isang munting mamamayan lamang. Walang kung anong kapit sa kahit sinuman. Kailangan ng sipag at tiyaga upang makuha kung anuman ang aking nais.

Dahil sa limitadong oppurtunidad na iyon ay naisip ko na lamang mag-ibang bayan ng sa ganun ay makatulong sa aking pamilya.

Nakapasok ako sa isang kompanya. Mabuti naman sana ang aking trabaho ngunit hindi ako masaya. Grabeng stressed ang aking nakuha na umabot pa minsan sa hindi ko pagkain sa buong araw at tulog na lang ang aatupagin pag uwi. May pagkakataon pa na pinipilit ko na lang ang aking katawan na bumangon at pumasok. Kaya ko, pero dumagdag pa ang nakatataas sa akin na kung ano ano ang sinasabi. Imbes na ako ay maengganyo sa pagpasok ay mas lalo akong nawalan ng gana dahil sa kanyang mga sinasabi. Laging nagagalit kahit wala kaming ginagawang mali o masama. Paisa-isa, unti unting umaalis ang aking mga kasamahan, hanggang sa ako na lang ang naiwan.

Isang araw bago ako pumasok ay may sinabi sa aking ang aking nakatatanfang kapatid na may eskwelahan na naghahanap ng guro. Napaisip ako. Kahit mayroon pa akong trabaho ay nag-apply pa rin ako. Sinubukan ko, wala namang mawawala at isa pa gustong gusto ko dahil iyon ang tinapos ko. Sa hindi ko inaasahan, natanggap ako. Umalis ako sa aking pinagtatrabahuhan. Nagsimula ako sa bago. Masaya. Nakakapagod pero masaya. Nakakastressed pero okay lang, nag-eenjoy naman ako.

Nagturo ako ng mahigit dalawang taon. Sa aking panggatlong taong dapat na pagtuturo ay may hindi inaasahang pandemnya na dumating. Nakaapekto ito sa aking pagtuturo. Kinailangang magbawas ng guro sa paaralan kung saan ako nagtuturo. Noong panahon din na iyon, ang pandemya ay nakaapekto din sa aking pag-iisip. Nadepress ako sa hindi ko malamang dahilan at dahil dun, napagdesisyunan kong ako na lamang ang aalis. Nagresign ako at umuwi na lang dito sa probinsya.

Disyembre taong 2020 ako nakauwi. Walang malinaw na kahahantungang ang aking pag uwi. Walang kasiguraduhan na makakahanap ako ng trabaho dahil may pandemya pa rin na sagabal sa ating mga kilos at gawain. Hindi ako makaapply sa pampublikong paaralan sapagkat wala pa ring memo ng ako'y dumating. Nagtiis tiis ako sa pagtutor muna pansamantala habang nag-aantay. Salamat naman sa Diyos ay kahit papa'no ay may naabot ako sa aking magulang para sa pang araw-araw.

Ngayong gabi, nakatanggap ako ng magandang balita. Matapos ang ilang buwan kong paghihintay ay naglabas na nga ang Deped ng Memo upang kaming mga nais makapagturo sa publikong paaralan dito sa Albay ay mabigyan na nang pagkakataon.

Ito na ang simula at sana na ay makapasok ako...

3
$ 3.36
$ 3.31 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
Sponsors of JulyAnn
empty
empty
empty
Avatar for JulyAnn
2 years ago

Comments

Goodluck madam. Ang tagal ng paghihintay. It would gonna be your new journey 😁

$ 0.00
2 years ago

Salamat!😊 Sana nga ito na. 😊

$ 0.00
2 years ago

Congrats Jabs! Finally.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Wala pa. 😂 Pero claim ko na ba? 😂😂

$ 0.00
2 years ago

Ai akala ko may text na?

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Wala pa. Naglabas pa lang ng memo tapos mag aaply pa lang ko😊

$ 0.00
2 years ago

Akala ko meron na hehe

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago