Hey, hey, hey!
Hello readcash users? How have you been?
Ako? Eto, medyo makakahinga na kahit papaano. I've been quite busy in the past few weeks. Madaming ginawa, especially about dun sa pag-apply ko. I am done with my demo and also with the interview, kaya eto ngayon palang naisipang bumisita ulit dito sa site.
I've been thinking what to write, pero hindi pa masyadong gumagana ang utak ko para mag-isip, na'drain ata sa mga ginawa nung nakaraan. Kaya pagpasensyahan nyo na muna etong random article ko na 'to.
Bakasyon na kaya wala munang tutoring, tambay na naman ako nito sa bahay. My friends and I already talk about some plan gala, pero hindi pa finalize kaya baka mauwi na naman 'to sa drawing, di ba @sc?
By the way, magpapasko na. May isa nga pala akong pinoproblema. Madami na akong inaanak at hindi ko alam kung anong pwede kong ibigay na gift sa kanila, wala din pa naman akong masyadong pera kaya mas lalong mahirap mag-isip. Yung isa pa naman sa inaanak ko hindi ko nabigyan nung binyag at birthday nya nung nakaraang buwan. Hindi ko tuloy alam kung anong pwedeng ibigay.
Maiintindihan naman siguro ng mga nanay nila kung wala o konti lang ang maabot ko di ba? Atleast may nabigay. Pero sana lang talaga, wala akong makinig na keso "ganto lang?" Naku! Nakakatrauma naman kasi mga naririnig ko sa mga magulang dito. Kaya tuloy feeling ko obligadong magbigay ang mga ninang at ninong.
Naalala ko nung bata pa ako, masaya na ako sa naabot sa akin, basta meron akong natanggap, pero ngayon dapat talaga may "value", may "limit". People forget the true essence of Christmas and meaning of giving. Yung dapat maging masaya ka kasi may natanggap ka, hindi yung malungkot ka kasi yan lang ang natanggap mo, di ba?
Kaya eto ako ngayon, problemado dahil lang sa ireregalo. Hindi problema yung inaanak, ang problema dun sa magulang, baka hindi "sapat"sa kanila kung ano ang binigay para sa anak nila. Anyways, I still have few days to think pa naman, so bahala na.
Christmas is around the corner na nga talaga. Nagscroll ako sa homepage dito and some articles are about Christmas, gift giving and such. Nagsisilabasan na ulit ang mga generous people. Sana dumami pa sila at baka maambunan din ako. 😂 Magpapasalamat talaga ako ng bonggang-bongga!😁
I think dito na muna itong random thoughts na 'to. Sa sobrang random parang ewan lang.
Pero kung sakaling may magbasa dito,
MARAMING THANKS! 😘
I promise to make a nice article, but for now eto muna. Sana pagtiyagaan nyo na muna.
Thanks!
Naaalala ko ung nabasa ko sa fb na talagang pinipilit ung ninang na mag regalo my goshhh. I mean, vat naman namimilit alam naman na gipit din ang lahat ng tao ngayon ambot lang talaga ha.