Another Normal Day: My Special Day!
July 3, 2022 | Sunday
--
Time flies really fast.
Yung tipong kakasimula pa lang ng taong, tapos eto na nga almost half of the year na.
Sa bilis ng panahon, I can't even remember any special events happened during the past months. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung ano bang mga nangyari noong mga nakaraan buwan. I felt like my half year of 2022 was very unproductive and meaningless.
Let me just recall those past months...
January.
Except for New Years day, nothing special happened. That's definitely. Kahit anong piga ko sa isip ko wala talagang pumapasok sa isip ko. Skip ko na lang tong month na to.
February.
Love month. Lahat ng may jowa and special someone I am sure busy nung buwan na 'to, specially Feb 14. At dahil ako ay single malamang sa malamang busy lang magk-drama dito sa bahay. Sigurado din naman akong hindi ako lumabas para gumala with friends kasi alam ko yung mga may jowa kong friends busy and yung mga katulad kong single na friends naka stay at home din. Self love muna kasi talaga dapat.
March.
Masakit pala sa brain yung isip ka ng isip pero wala ka namang maisip. Nakakastress tuloy. Ano bang nangyari noong month na to?? Wala ba?? My god! My life was totally boring! Nakakasad.
Skip na lang natin to.
April.
I am pretty sure busy ako noong buwan na to. Busy maghanap ng jowa? Nope! Busy maghanap buhay. Naalala ko lang ngayon. January up to this month busy akong maghanap buhay. Tutor is life. Yung tipong bahay ng tutee and bahay lang ang only route ko. Ang saya di ba? Ganyan talaga siguro kapag nasa adulthood ka na. Wala ng ibang iniisip kundi ang kumita.
May.
This time, this month busy ako. Not only busy tutoring but busy with training. Pero every Sunday lang. Nagtrained ako in ICT na pwedeng gamitin sa application ko for ranking. At syempre hindi ko din makakalimutan yung Beach Escapade ko with friends during the last week of the month. Humabol pa kami sa tag-init and I super enjoyed it.
June.
This month busy din ako. This time, busy with TESDA training in Computer System Servicing. I badly need to earn some trainings. Malay natin makapasok na din sa Public. Cross finger na muna ako. Nakakaenjoy naman ang trainings. I met you friends. And after two years nagamit ulit si brain. Medyo nabawasan nga lang ang nerve cells ko sa daming kailangan tandaan sa trainings. Masakit sa brain at masakit din sa eyes. Babad sa computer from 8 am to 5 pm. Pero kakayanin para sa future. Fighting lang!
July.
My birthmonth. Actually last friday was my birthday. Tumanda na naman ako. Nothing's special happened. Busy sa training pag-uwi masakit ang mata at ulo kaya natulog na lang muna ako. Paggising ko... ayun tapos na pala birthday ko. July 2 na! Hahaha.
Ang bilis lang lumipas ng mga araw. Medyo hindi na nga ako nag-eexpect masyado sa mga susunod na buwan. I'll just go with the flow. What's important is I survive each day.
Neither something special nor nothing special happen, I thank God each day.
.
.
.
.
Thats it!
Thanks for reading!
Ambilis ng panahon ate no? Nakakagulat na mag ber months na agad. Awiee. Babata ka na naman this year ate. Whahha.