Dahil sa covid 19 marami sa kababayan nating ofw ang nagsipag uwian, ang iba dahil sa nagsara ang kani kanilang kompanya, ang iba stop operation dahil sa lockdown, ang iba dahil sa emergency na kailangan nilang bumalik sa bansa. Hindi lahat sa kanila natatanggap ng ating mga kababayan, ang iba ibat ibang klaseng descrimination ang natanggap. Ang iba pinandidirihan ng kani kanilang komunidad dahil sa akala eh may dala dalang virus, hindi lang sila, kasama pa rito ang kanilang pamilya at kamag anak.
Bago sila umuwi ang iba ay taon na ng makita ang kani kanilang pamilya, taon na makasama ang mahal nila sa buhay. Bago sila umuwi buwan na sila na naka quarantine sa kani kanilang leaving quarters, at sa kani kanilang barko. Bago sila umuwi sa probinsya katakot takot na medical protocols at test ang ginawa sa kanila masiguro lang na sila ay ligtas na makakauwi. Bago sila umuwi, dumadaan sa masusi at striktong quarantine protocols. Sana mga kababayan maisip niyo itong mga sakripisyo ng mga kababayan nating ofw.