Sa pasimula pa dapat tayong maging aware sa mga sinasabi at pinapalagay natin sa ating sarili at maging sa iba. Marami sa atin ay alam na ang salitang "Depression". ang salitang ito ay napapanahon sa ating kalalagayan ngunit gayon pa man halos karamihan sa atin namamali sa kung ano nga ba ito talaga? Sikat na sikat ang salitang ito lalong higit sa kapanahunan ng Millineals. Kaya lang nakakalungkot sapagkat na mamali natin ang kahulugan at gamit ng salitang ito. Akala ng iba ang salitang ito ay uso, LIT ngayon at astig pagginamit mo ito sa sarili mo. Ang iba naman mali ang pakahulugan sa salitang ito.
Para po sa kaalaman ng iba ang salitang ito ay sakit po at ito ay seryosong sakit na kadalasan itinatatak o inilalagay natin sa ating sarili. gayon din naman ito ay maaaring maging emosyon o pakiramdam na kahalintulad ng salitang sobrang kalungkutan o pagkabalsa ng malubha ngunit marapat po nating iwasan ang paghambig at pagtulad ng salitang ito sa ating kalalagayan.
Maaaring maitanong mo BAKIT? Ano bang mali?
Ang mali po ay inilalagay at minsan itinatatak po natin sa ating isipan at sa ating sitwasyon. Kadalasan na mamali ang ating pakahulugan sa salitang ito. Kaya dahil doon halos ang dami ng nagamit nito at hindi na din matukoy kung sino nga ba ang meron talaga o pakiramdam lang nila.
Maaari po natin sabihin na "I feel depressed right now." Pero iwasan po natin ang paggamit ng "I have depression right now" (lalo kung hindi ka naman na diagnosed ng isang eksperto)
Bakit halos parehas lang naman yan ah?
Maaari sa iyo pero bilang Psych Major ang mali pong paggamit nito at hahandong din na maging mali ang ating kaisipan din.
Bakit?
Ang salitang "DEPRESSION" po muli ay isang mental illness or disorder o sakit sa pag-iisip o kaisipan na kung saan nagreresulta sa isang tao na maging magulo ang kanyang kaisipan at pamumuhay at hahantong sa kaisipan at paggawa ng pagpapakamatay. Ito ay nagbubuhat din po ng maling kaisipan oras na itinatak mo sa isip mo ang ganitong klaseng kaisipan at pakiramdam. Masasabi mo na meron ka talaga neto kung ikaw ay nagpakonsulta sa isang espesyalista at meron kang mga sintomas nito na tumagal na ng dalawang linggo.
Gayong pa man maaari mong sabihin na pakiramdam mo depress ka, Kasi ang salitang "depress" ay isang ngang pakiramdam na katulad ng lubhang kalungkutan o nawawalan ng kasiglahan. Ngunit dapat laging tiyak (specific) ang dahilan kung bakit ka "feeling depress".
Halimbawa: "I am depressed right now because my beloved dog was gone today."
Marapat na tiyak ang dahilan o rason dahil sa ganyang paraan madaling matututukoy ng iba at maging ng iyong sarili ang dahilan at sa gayon makikita mo rin kung ano ang lagay mo kaysa sabihin mo lang ito ng walang pagkatukoy kung bakit o (general terms or feelings)
Bakit?
Ang dahilan kasi ay kung ang isang bagay ay hindi matuloy maaari mahirapan kang solusyunan ang problema o pinoproblema mo na hindi o matukoy kung ano.
Bukod po rito kailangan parin po na sensitive po tayo sa iba at sa ating sarili. Ang depression na sakit ay hindi lamang tumutukoy sa emosyon kundi meron bukol o maga o anumang nagaganap na hindi maganda sa iyong utak kaya marapat na magpakunsulta at magpakingin sa eksperto sapagkat ito ay hindi basta basta.
Tandaan huwag mong itatak (label/clasify) ang sarili mo maging ang iba sa salitang ito. huwag mo rin i-claim o angkinin na meron ka nyan, pwede mong gamitin "feeling" kasi ang pakiramdam o emosyon ay nagbabago bago at hindi nananatili.
Unawain nating mabuti.!
Ano nga ba ang salitang depression sa iyo?
RELATED PSYCH ARTICLES:
Mental Health (ReadToLearn!)
Importance of Mental Health Awareness
https://read.cash/@Jthan/importance-of-mental-health-awareness-5e654f8d
Be aware of these people
20 Psychological Facts about People
https://read.cash/@Jthan/20-psychological-facts-about-people-0388b64f
Psychological Facts
Please SUBSCRIBE👆 if you haven't and leave a LIKE👍 and a COMMENT💬.
Right on point. A lot of people are romanticizing depression without even knowing the true definition and meaning. Gaya ng sabi mo, nakikiuso sila. It's a misconception 🤦