Pahalagahan Mo

0 26
Avatar for Jthan
Written by
4 years ago

Ito po ang panahon para bigyan pahalaga ang mga meron sa atin at patuloy na magpasalamat sa mga bagay na nasa atin at maging sa mga bagay na wala sa atin.

Marami sa atin ngayon ang abala at balisa sa kakaisip. Halos napapagod na tayo na bumangon sa bawat araw ng buhay kasi sa totoo lang ang kinabukasan ay isang malaking tanong sa atin at misteryo na di natin kayang arukin. Magkagayon man, tayo pa rin ay patuloy na nagpapatuloy sa buhay.

Sa pagkakataon ito nais ko lamang magbigay lakas ng loob at pag-asa sa bawat isa sa atin na naguguluhan, nababalisa, napapagod, nawawalan ng pag-asa maging nababagot na sa buhay na ito.

Totoo ang mga iyan at baka nga mas malala pa riyan ang nararanasan at nararamdaman mo ngayon ngunit patuloy na tumingan ka parin sa mga bagay na meron at wala sa atin at patuloy na ito'y ating pahalagahan at pasalamatan.

Pahalagahan ang Meron sa atin.

  • Meron pa tayong tahanan na masisilungan, ang iba nakikisilong na lang at nakikitulog sa iba. Pasalamat parin tayo sa bubong na nagbibigay proyeksyon sa atin kung tag-ulan o tag-init kahit ito pa ay butas at tagpi-tagpi.

  • Meron pa tayong nakakain sa bawat araw, bagaman ito ay isa o dalawa mapalad parin tayo kasi ang iba ay wala na talagang makain at naghihintay na lang ng kanilang kamatayan.

  • Meron pa tayong pamilya na masasandalan at mapagsasabihan ng ating mga problema, pamilya na makakatuwang natin sa buhay sapagkat ang iba ay lubusan ng nagkawalay, ang iba di man lang nasilayan at nagkapiling ang isa't isa, ang iba naman nawala na sa mundong ibabaw.

  • Meron pa tayong mga kagamitan nagagamit, ngayon mapalad ka kung nababasa mo pa to sapagkat meron ka ng wala ang iba, bagaman luma na at hindi maganda mabuti na din kaysa sa wala sapagkat ang iba ay hanggang tingin at pangarap na lang na makaasam din ng mga bagay na meron ka na kung minsan di mo man lang mapahalagahan.

  • Higit sa lahat meron ka pang buhay na dapat pahalagahan. Mapalad ka sapagkat ang iba ay binawian na, ang iba ay di man lang nakaranas at ang iba ay naging masalimuot ang buhay. Ang iba ay may karamdaman ngunit salamat sa Diyos sapagkat ikaw ay nananatiling ikaw, may lakas, matatag at patuloy na nagpapatuloy sa buhay bagaman alam naman natin na kung minsan ay napapagod , nanghihina at nawawalan ng pag-asa ngunit ngayong nakatayo ka parin di ba? Pahalagahan mo ang buhay na patuloy na pinagkakaloob ng Maykapal.

At marami pang dapat pahalagahan na meron ka.

Pahalagahan ang Wala sa atin.

  • Wala tayong sakit, ang iba meron sila pilit man nilang di asamin ngunit meron sila kaya't pahalagahan mo ang bagay na wala ka parin.

  • Wala tayong kaaway, sana naman totoo to sayo, kasi kung ito ay hindi totoo ngayon pa lang magpatawad ka na sapagkat masarap mabuhay ng malaya at malawak ang mundo kaysa mabuhay ng may sama ng loob at galit sa kapwa na syang nagpapaliit ng mundo.

  • Wala tayo sa posisyon ng iba, kung may pagkakataon na ninanais natin mailagay sa posisyon ng iba dapat patuloy parin tayo magpasalamat sapagkat wala tayo sa posisyon ng iba na ang kanilang kalalagayan ay mahirap o naiipit sa digmaan, kaguluhan, kahirapan, kagutuman, at iba pa. Mapalad parin tayo sapagkat ang iba na nasa mataas ang posisyon naguguluhan kung sino ang dapat sundin at pagbigyan, ang iba na nasa mayaman na posiyon nangangamba sa kanilang kayamanan na inimpok.

Pahalagahan at patuloy parin nating ipagpasalamat ang mga bagay na kahit ito ay wala sa atin.

Lagi natin isipin na sa anumang bagay meron man o wala tayo ay patuloy na magpasalamat at magpahalaga.

Mapagpalang buhay sa Inyong lahat.

Magsubscribe sa kin @Jthan at mag susubscribe din ako sa iyo, just comment below.

4
$ 0.00
Sponsors of Jthan
empty
empty
empty
Avatar for Jthan
Written by
4 years ago

Comments