Marami sa atin ay nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Mga alalahanin na tila di matapos tapos. Problema na pahirap ng pahirap. Maging mga kaisipan na tila padilim ng padilim. Ito ay di lingid sa bawat isa sa atin.
Sa panahon natin ngayon lubos na ang kahirapan, talamak na ang nagkakasakit, maging hindi na malaman ang kahihinatnan ng mga bagay bagay.
Tila para bang wala na at matatapos na ang lahat. Kung iyon ang tingin mo? May maganda akong balita, dahil ang laht ng iyan ay simula pa lamang. Gayon pa man, patuloy tayo na magpatuloy sa buhay. Talo tayo kung tayo ay susuko.
Magandang salita na sabi nga nila "Kung tayo ay napapagod na, magpahinga ngunit huwag na huwag tayo sumuko."
Eto ay simpleng pananalita lamang na nais kong iwan at ipabatid sa lahat. Huwag tayong magsasawang sumubok at magpatuloy sa buhay.
HUWAG KANG SUMUKO!
Please LIKE it and leave your COMMENT below.
Thanks @Jthan
kaya habang may buhay may pag asa.manalangin lang palagi sa panginoon at tayoy kanyang didinggin