Doppelganger

0 7
Avatar for Joshie
Written by
3 weeks ago
Topics: Experiences

Gabi na nun at inihahanda na ng ate ang pagkain sa hapag kainan. Lumabas na rin ako ng aking silid at sakto rin namang nakita ko sa bintana na papasok na rin si mama sa kusina at sa likod nito ay ang aking kuya na lumihis papunta sa may madilim na sulok, sa may sira sirang bakod. Hinuha ko’y iihi lamang sya.

Sakto lang ang laki ng bahay namin. May dalawang maliit na kwarto, maliit na sala at kusina. May maliit na bakuran din para hindi mag labas-masok ang mga tao lalo na ang mga bata. Kaya naman paglabas pa lamang nang silid ay makikita mo agad kung sino ang nasa sala, kusina, at ang papasok sa loob ng bakod. Dahil may pintuan sa bandang sala at sa kusina at sa pagitan ay may dalawang bintana.

“Ma, kakain na” alok ko sa aking ina ng tuluyan na syang makapasok sa loob. Wala noon si papa dahil hapon pa lang ay pumapalaot na sya at uuwi ng hating gabi.

Mga ilang minuto pa nang handa na lahat sa lamesa at nakaupo na rin kami, tinanung ko si mama, “Ma, asan na si kuya?” sabay silip sa labas ng pinto na malapit sa kusina.

“Ewan, baka nasa labas”. Sagot ni mama na ikinatingin ko naman agad sakanya dahil nasa likod lamang nya ito kanina ng pumasok sya.

“Diba kasabay mo lang sya kanina pero lumiko dun para umihi?” nguso ko naman dun sa madilim na parte kung saan tumungo kani-kanina lamang ang aking kuya. “Di ko pa man sya nakikitang dumaan kung lalabas sya. Tsaka kakain na rin dapat nandito na yun ngayon.”

Bigla namang kumunot ang noo ni mama, “Ha? Napano ka, eh wala naman akong kasabay kaninang pagpasok ko.”

Magsasalita pa sana ako nang makita kong lumabas ng kanyang silid ang kuya. “Ma, anong ulam?” tanong nya ng di pa nakakalapit sa amin.

“Diba dun ka palang galing kani-kanina lang?” tanong ko sa kuya ko nang tuluyan na syang makalapit sabay turo ko ro’n sa parte kung saan sya nag tungo kanina.

Bigla rin namang kumunot ang noo nya sabay sabing “ha? Kanina pa ko sa kwarto. Ngayon lang din ako lumabas.”

Nagulat ako. Hindi agad ako nakagalaw. Sinipat ko ang suot nyang shorts dahil wala syang pang itaas. Yun din yung suot nung lalaking nasa likod ni mama kanina. Pati hugis ng katawan at porma nito ay gayang-gaya.

Tumahimik na lang ang lahat at ipinag walang bahala na lang ang nangyari. Tahimik kaming kumakain pero alam kong alam nila ang nangyayari. May Doppelganger ang aking kuya at posibleng nasa loob parin ito ng bahay.
…..

$ 0.00
Avatar for Joshie
Written by
3 weeks ago
Topics: Experiences
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

About us Rules What is Bitcoin Cash? Roadmap Affiliate program Get sponsored Self-host
hello@read.cash (PGP key) Reddit