Anung mangyayari sa hinaharap?
Marahil ang ibang taong naghahanap ng impormasyon kung totoo ang kabilang buhay ay naguguluhan pa. Nakakaranas ng pagkabalisa at walang makuhang matinong sagot sa sariling tanong.
Anung mangyayari sa hinaharap? Sinong gumawa ng lahat ng bagay? Mayroong mga bagay na hindi abot ng tao, ni hindi alam ng siyentipiko kung anu ang eksaktong sukat ng kalawakan. Isang bagay na nagpapatunay na may gumawa sa lahat ng bagay.
Wala naman sigurong matinong tao na maniniwala na basta nalang nagsulputan ang mga bagay sa kalawakan ng walang gumawa.
Sabi ng Bibliya ginawa ang tao ayun sa larawan ng Diyos. Ginagawa Ang tao galing sa alabok at babalik din sa alabok (kamatayan).Sa mga paniniwala namn ng ateyista nagmula ang buhay sa single cell na animal tapos naging unggoy at nag evolve sa pagiging tao. Sa aking paniniwalang rasyunal masasabi kung istupidong paniniwala ang hinahawakan ng mga atiyesta. Mahirap isipin ang pinagmulan Ng tao ay unggoy, hindi ako kombensido sa theoryang ganyan ka babaw. Ang buhay ay isang biyaya sa atin, itoy napakagandang bigay sa atin na kung saan nararanasan natin ang ibat ibang klase ng emosyon at akoy naniniwala sa nagbigay buhay sa lahat ng bagay.
Sinasabing dalawa ang buhay na mararanasan ng isang tao; una na dito ang temporaryung buhay na may laman at dugo, nakakaranas ng ibat ibang emosyon, kumakain, inaantok at nagugutom. Ito ay karaniwang ginagawa ng laman. Pangalawa, ang buhay sa eternity ayon sa Bibliya dalawa ang paruruonan ng kaluluwa depende sa mga ginawa nito. Huhukuman ang bawat tao ayun sa kani kabilang mga gawa sa lupa. Ang mga bubuting tao na gumagawa ng kaluuban ng Diyos ang siyang mapupunta sa langit or paraiso (Isang Lugar na inihanda para sa mga banal na lingkod ng Diyos).
Sa pangalawang destinasyun ng tao sa kabilang buhay ang walang hanggang kamatayan o empyerno (dagat dagatang apoy na asupre), na kung saan paparusan ang mga masasamang tao araw at gabi. Sa kabilang buhay ay naglalarawan ng yugto ng walang buhay na magsisimula pagkatapos ng kamatayan. Isang lohikal na pagiisip ang paniniwalang may gumawa ng lahat ng bagay at hindi basta nagsulputan. Ang konsepto sa kabilang buhay ay may dalawang bagay ang kasiguruan itoy maaaring sa kapahamakan o kaginhawaan.
Sa ibang relihiyon, ang Mormons naniniwala na walang kaparusahan sa kabilang buhay bagkus itoy may nakahandang paraiso. Pero kung itoy iisipin ng maigi marahil maraming pagdududa ang magsilitawan dahil itoy napakahirap isipin na ang gagawa ng masasamang gawain ay walang naghihintay na kaparusahan. Sa pagusbong ng teknolohiya at karunungan ay marami naring mga tao humiwalay sa paniniwala sa konsepto ng kabilang buhay. Karamihan sa kanila ay mga may pinagaaralan o nakapagtapos sa kolehiyo.
Ang nagpapatunay sa konsepto ng kabilang buhay ay mga taong naniniwala sa Diyos na makapangyarihan sa lahat. Sa ating pag iisip ay napakahirap ng sukatin ang walang hanggan. Anu ano ang mararanasan sa natin kabilang buhay ito bay kaginhawaan, kaparusahan sa mga masasamang ginawa natin sa lupa o mawawala ang ating pag iisip at tayo ay mananatiling buhay na walang malay.
Ibat ibang spekolasyun ang nagsilitawan tungkol sa konsepto na ito at buhat narin sa pagnanais na masagot ang mga katanungan. Sa mga isinulat ko dito ay pwede narin kayong magkomento at ilahad ang mga posibling lusutan ng theoryang ito at gumawa ng panibagong artikulo. Bilang isang tao na gusto rin makatulong sa paglutas ng misteryong ito ay nirarapat kung gumawa ng mga pagbabasihan narin ng iba kung nais nilang gumawa ng artikulo na related sa konsepto sa kabilang buhay.
Sa ating kanya kanyang destinasyun naway magkaroon tayo ng peace of mind at habang nasa lupa pa ay gumawa tayo ng mabubuting bagay na nagpapasaya sa ating mga minamahal na tao o sa kapwa tao. Masasabi nating hindi natin alam kung anu ang hinaharap at kontrolado ang ibang mga bagay pero kaya nating baguhin ang hinaharap natin sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay. Kung tayo ay naniniwala sa konsepto ng kabilang buhay ay nararapat lamang na paghahandaan natin dito sa lupa mga bagay na possibling magbibigay sa atin ng kapahamakan o kasaganaan. Para sa akin may batayan tayo sa ating patutunguhan o isang gabay ng dadalhin tayo sa lugay kung saan tayo ay mabubuhay ng masaya kasama ng lumikha ng lahat ng bagay. Isang librong mga katutuhanan ang inilalahad sa hinaharap. Tinutukoy ko ang Bibliya, sapagkat ito lang ang nagsasabi ng mga bagay bago ito maganap. Sa isang yugto ng ating buhay marahil malilimutan natin ang ibang mga bagay na nagpapasaya sa atin. Itoy mahirap na iisipin pa natin. Isa lang ang natitiyak natin na ang kasalukuyan ay isang paghahanda tungod sa kabilang buhay.
May mga bagay na kailangan nating tanggapin na itoy mangyayari kahit hindi natin gustuhin. Ito ay ang ating tadhana na hindi maaaring baguhin Ng sinuman sa kabilang buhay.
Maraming salamat!
This is what my lola been telling us, her grandchildren. There's always been consequences for the sins we made while we're on earth.