Isinulat ni:Jon Jun F.Ignacio
Bawat panahong maisasakatuparan
Ang salita'y ibigkas at mararamdaman
Tunay na kahalagahan sa pambansang wikang pinaghirapan
Ng dating pangulong may nais ihatid sa bayan.
Kalayaan ng bansa'y binuksat nilantad
Sa wikang batid niyang pinaunlad.
Sa bansa'y isinulong at ipinalaganap
Para bang bulaklak na nagkalat ang halimuyak
Ang tinig ng wika'y nararapat
Sa pagbibigay damdamin at pag-uusap
Upang mabuhay sa pagkakaisa tayong lahat
Malaya't masaya sa pagbibigay hangad
Ako'y tinig nitong wikang pambansa
Na gamitin ng mabuti at maging bihasa
Kung kaya ko ang tungkulin nitong bakas na iniwan
Di magkakamaling tinig ng wika'y sayo'y naninilbihan
Ang di pagmamahal sa wika ay bansang walang kalayaan
Bansang madungis,at walang pangarap
Pawang pinakawalan nito ang tinig ng wika
Dahil itoy sumasagisag sa makataong gawa.
Ipagmalaki at ito'y ating paunlarin
Dahil ang pambansang wika'y nagmamahal man din.
Kung tayong mga kabataan wika'y iibigin ng labis
Kabutihang ginawa wika'y magnanais
Ngunit kapag ang lahat ay taliwas
Ang wika'y iiba at malalagas
Parang pagkagat na walang tamis sa mansanas
O di kaya ay Pilipinong walang ipapamalas
Tayo ay mga kabataang may magagawa
Sa pagsasabuhay ng pambansang wika
Kung ika'y namulat huwag ikahiya
Ito'y intrumento ng bansang maharlika
Kapag pambansang wika'y hindi ginamit
Ay parang bulaklak na nalanta sa init
Tulad rin ng Ilog na di masagana
At batang bulag na walang kaluluwa
Ngayong alam na ang tinig ng wikang pambansa
Tinatawag kita sa iyong pagpapasya
Na gamitin Ito at bigyan ng kasaysayan
Dahil Ito ang nagpakawala sa nakagapos na kalayaan.