ANG AKING PANATA SA PAG-UNLAD NG BANSA.
By:Jon Jun Ignacio
Iniibig ko ang aking buhay,ang bayan,at ang aking kapwa.
Mamahali't ipagdarasal ang kapakanan ng bansa.
Ililigtas sa mga magnanakaw ng karapatan.
Ipagtatanggol sa mga tiwaling kasapi ng pamahalaan.
Ilalagay sa maayos na batas at patutunayan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tamang landas nito.
Aalamin ang dahilan at kahihinatnan ng mga gawaing pangkalahatan at pagkalugmok sa mundo ng kahirapan.
Iiwasan ang pagbenta ng boto,ititigil ang pagdami ng mabangis na hayop sa pamahalaan.
Ako ay maalam,hindi bingi,hindi bulag,hindi mangmang,at marunong lumaban.
Gagawin ang lahat may plano sa hinaharap,sasali ng buong puso sa proyekto na makapagpapabuti sa bansa,sa sarili,at kaunlaran ng bayang sinilangan.
Ako'y hindi umaasa at hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Handang piliin ang mabuting kamay na manunungkulan sa mga taong may obligasyon na pangalagaan ang pamahalaan.
Ako'y bahagi sa pagpapaunlad nito kaya pinapangakong susundin ang maayos na alituntunin sa mga isyung nagaganap.
Walang masisilaw sa pera at walang mangmang sa pag-unawa ng bawat panig ng dalawang sektor.
Hindi magsisilbing laruan at utusan ng gobyerno sa halip ay kasabay na magbibigay at magbubuo ng malusog at matibay na pamamahala.
Kikilalanin ang nakapaloob dito at susuriin ang bawat hakbang nito.
Tapat sa ilalim ng batas at maalam sa anumang bagay.
Hindi magpapaalipin at hindi magiging duwag sa pakikilahok sa mga organisasyon at programang may kinalaman sa karunungan at kabutihan sapagkat ako ay mahalaga sa bawat pintig ng ekonomiya ng bansa.
Hindi ako materyal na kayang bilhin ng pera at maging bato sa mahabang panahon.
Ang halaga ko ay hindi ipinapalit sa pera at naniniwala sa pantay-pantay na kaugnayan ng pamahalaan at ako.
Ako ay pilipino,may karapatan,at responsibilidad na pangalagaan ang bansang ginagalawan at sisikaping paunlarin ng naaayon sa kabutihan.
#Grade10-Apple
#Economics-Panata
0
12