Malinaw na ipinakita sa balita na wala namang nilabag sa batas ang ABS-CBN, ni isa ay wala silang violation. Ngunit ang masamang balita noong isang araw ay nakapagpabago ng buhay ng maraming tao. At iyo ay ang pagdenied ng kanilang franchise,70 ang bumoto ng "yes" para sa pagdenied ng franchise renewal ng ABS-CBN, ang 11 ay nagoppose, 2 inhibited at 1 ang nagabstained. Nakakalungkot lang na sa panahon ngayon na kinahaharap nating pandemiya ay mahigit 11,000 ang mawawalan ng trabaho. Hindi ko lubos maisip na paano sila babangon at maghanap ng panibagong trabaho para tustusan ang kani-kanilang pamilya.
Bilang isang dating journalist, sobra akong naapektuhan ng balita dahil ang pagsara ng ABS-CBN ay pagkakawala din ng press freedom.
Alam ko ay may kanya kanya tayong opinyon patungkol sa issue na ito. Mayroon sa atin ang pabor at mayroon ding hindi. At hindi ko kayo kokontrahin dahil alam ko din na may kanya kanya din tayong dahilan kung bakit. Ang gusto ko lang sanang sabihin sa inyo ay sa susunod na election ay magisip isip na tayo kung sino ba talaga ang karapat dapat sa posisyon mula sa pinakamababa pataas. Nawa'y maliwanagan tayo sa mga issue na mayroon sa ating bansa dahil ito ang magmumulat sa atin para pumili tayo ng karapat dapat. Muli, ito ay isang opinyon lamang.