Kahulugan ng Pagsasalin
“Ang Pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa, kalapit na katumbas na diwa na gamit ang ibang wika ayon kay (Griarte, 2014).” “Ang Pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulang wika, Una ay sa kahulugan at Pangalawa ay sa estilo ayon kay (Eugene Nida, 1964).
Sa pagsasaling wika dapat isinasaalang-alang ang diwa o konteskto at ang balarila o gramatika ng dalawang wika. Dapat isinasaalang-alang din ang pamamaraan ng pagsulat o estilo upang hindi mabago ang diwa ng tekstong isasalin. Kadalasan nagiging kamalian sa pagsasalin, ang pagsasalin ng salita-sa-bawat-salita sapagkat ang pagsasalin sa ganitong paraan ay maaring hindi mabigyang pansin ang diwa, estilo at balarila. Dapat maging maingat sa pagsasalin upang mapanatili ang diwa ng orihinal ng teksto.
Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang akda sa pinakamalapit na diwa mula sa simulaang lengguwahe (source text) patungo sa tunguhang lengguwahe (target text). Ang tagasalin ay nararapat na may kaalaman sa simulaang lengguwahe at mas may sapat na kaalaman sa tunguhang lengguwahe upang maayos na maisalin ang teksto.
Kahalagahan ng Pagsasalin
Ang pagsasalin ay nakatutulong sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa isang lugar. Sa pagsasalin ng teksto nagkakaroon tayo ng kaalaman sa iba’t ibang lengguwahe. Mahalaga sa pagsasalin na malaman ang kasaysayan at kultura ng tekstong pinagmulan upang malaman ang wastong gamit ng wika at balarila ng teksto. Kailangan din ito upang maunawaan ang mga salita na ginamit sa panahon kung kailan nagawa ang akda. Sa paglipas ng panahon ang mga salita ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan o di kaya’y may mga salitang hindi na nagagamit sa panahon ngayon. Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng isa o ng ilang tao. Kailangan maging maingat sa pagsasalin ng mga teksto na madami ng nakabasa upang sa pagpapakilala nito sa ibang wika ay hindi mabalewala ang orihinal na estilo. Mahalaga sa pagsasalin na isaalang-alang ang mga mambabasa dahil dito mas mapapalawak ang nakakaunawa ng tekstong isasalin. Nagkakaroon din ng pagkakaunawaan at interaksiyon ang dalawang wika. Nagagamit ang pagsasalin upang makabuo ng panibagong interaksyon sa pagitan ng magkaibang lugar. Nakakatulong din ito upang maunawaan ang wika, kultura at kasaysayan ng ibang lugar gamit ang iba’t ibang teksto o akda.
Katangian ng Pagsasalin
“Kailangang katulad na katulad ng orihinal ang diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat ay katulad ng sa orihinal at taglay ang “luwag” at “dulas” ng pananalitang tulad ng sa orihinal, upang hangga’t maaari ay mag paraang orihinal (Santiago, 1976).” “Kailangang meaning-based na nangangahulugang dapat itong magpahayag ng tamang kahulugan o diwa ng orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika. (Lacson,1984).” Dapat sa pagsasaling wika isinasalang-alang ang orihinal na teksto. Dapat maging batayn nito ang diwa, himig at anyo ng teksto upang magparaang orihinal parin ang tekstong isinalin. Dapat din na may sapat nakaalaman ang tagasalin sa mga salita na ginamit sa teksto upang hind maging dahilan ng iba-ibang pagkahulugan ng mga salita. Mahalaga ito sapagkat may mga salitang magkatulad ngunit magkaiba ng kahulugan. Kailangan sa pagsasalin na alamin ang kultura at wika ng lugar na pinagmulan at pagsasalinan upang maging tama ang bawat salitang gamit sa teksto. “Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nilalapastangan ang wikang kinasalinan (Medina, 1988).” “Kailangang may sensibilidad, naipahahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at madulas na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal (Nida, 1964).” Isang katangian ng mahusay na salin ay dapat may sensibiladad at paggalang mula sa orihinal teksto. “Kailangang matagumpay na matamo ang layuning maipahatid ito sa kinauukulang target (Nida, 1976).” Maituturing na mahusay na salin kapag ito naunawaan ng mga mambabasa at napanatili nito ang diwa, anyo at estilo ng tekstong pinagmulan.
AngANG PAGSASALIN BILANG PAGSASÁNAY AT KASANAYÁN
pangngalang “sánay,” na may bigkas na malumay, ang salitang-ugat ng “kasanayán” at “pagsasánay.” Isang proseso ang “pagsasánay.” Ito ang pinagdaraanan ng sinuman upang magkaroon ng “kasanayán.” Sa kabilâng dako, ang pang-uring “sanáy,” na may bigkas na mabilis, ang siya namang ginagamit upang ilarawan ang sinumang dumaan na sa maraming “pagsasánay” at nagkamit na ng maipagmamalaking “kasanayán.”
Roman Jakobson sa kaniyang kanonigong sanaysay na “On Linguistic Aspects of Translation” (1959)
• Interlingguwal na pagsasalin ay may dalawang magkaibang wikang sangkot, ang mulaang wika at ang tunguhang wika.
• Intralingguwal na pagsasalin o ang pagpapalit ng salita sa iisang wika.
• Intersemiyotiko na pagsasalin ay isang paglilipat mula sa pasalitâng sagisag tungo sa mga di-pasalitâng sagisag.
Wika ang sentro o ubod ng kulturang kinabibilangan natin. Nauunawaan at nagpapatuloy ang lahat sa pamamagitan ng wika. At, walang pagkakataóng hindi táyo nagsasalin. Sa sandalîng nagsisikap táyong unawain ang anuman, nagsasagawa táyo ng pagsasalin intralingguwal man, interlingguwal man, o intersemiyotiko man. Gayundin, lampas sa nakamihasnan natin na ang teksto ay ang mga nakasulat na binabása natin, ang kahit ano ay teksto, nakasulat man, nakaguhit, nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan, o nahihipo. Binabása o inuunawa natin ang lahat ng ating mga karanasan bilang teksto. Bagaman lagi nating nakikita bilang isang lingguwistikong aktibidad, laging lampas sa pasalitâng wika ang pagsasalin. Ang pagiging lublob sa karanasang naisawika o wika ng karanasan. Hindi sapat ang diksiyonaryo at ang mga batayang aralin sa estruktura ng pangungusap kung magsasalin ng kaisipang may mahigpit na kaugnayan sa karanasang pangkultura.
Halimbawa:
Isang estudyante ang naguulat at kanyang sinabi na “Si Asu Mangga at Baranugon ay hating-kapatid.” Subalit, sina Asu Mangga at Baranugon ay makapareho ng ama ngunit magkaiba ng ina. Ang problema, salin ng teksto sa Ingles ang nabása ng estudyanteng ito. Tulad ng maraming estudyante sa ngayon, natukso siyang gumamit ng Google Translate. At, ganito ang kaniyang nakitang salin ng pangungusap na Asu Mangga and Baranugon are half-brothers: “Asu manga at Baranugon ang half-kapatid na lalaki.” Samantala ang salita "half" ay hinap nita sa diksonaryo. Dahil sa galak, malugod niyang inuulat na "Si Asu Mangga at Baranugon ay hating-kapatid." Ngunit iyo ay mali, kayâ’t ganito ang pinakamainam na salin ng pangungusap na ito: “Sina Asu Mangga at Baranugon ay magkapatid sa ama.”
Ang paboritong sanguniaan ng magaaral ay madalas na pumapalya (Google Translate) dahil may mga salita nanakatakda para sa isang salita kaya kung ang estudyante na gumamit ng google translate ay "half-kapatid" ang lumabas dahil ang "brother" ay katumbas na kahulugan ay "kapatid". Kaya kung susumahin natin, ang google translate ay hindi maasahan at hindi ko din ito marerekomenda na gamitin.
Alinsunod dito, dalawang malaking usapin sa pagsasalin ang dapat kilalánin ng sinumang nagsasanay sa gawaing ito: ang equivalence o tumbasan at translatability o pagkanaisasalin. May mga salita o ekspresyong idyomatiko sa mulaang wika na madalas na walang eksaktong katumbas sa tunguhang wika.
Kaugnay nito, may mga tagalog na salita na walang katumbas sa ingles at may salitang ingles na walang katumbas sa tagalog at maaring ganun din sa iba pang lingguwahe.
Ang pagsasanay sa pagsasalin ay isang mahabang proseso upang ang isang tao o dalubhasa ay maging eksperto o may kasanayan sa pagsasalin. Kinakailangan na matutunan natin ang salin ng salita sa tunay nitong gamit kaya sinasabing ‘di sapat na gamit ang diksiyonaryo upang maging batayan sa pagsasalin. Maari din tayong gumamit ng ibang paraan para magsalin, maaring gamit ang parehong lengguwahe, magkaibang lengguwahe at paraang di kinakailangang magsalita.
Talasangunian:
• https://www.slideshare.net/allanortiz/pagsasaling-wika-23507045
• https://www.docsity.com/en/kahulugan-layunin-at-kahalagahan-ng-pagsasalin/5612579/
• https://www.slideshare.net/kazekage15/pagsasaling-wika
• http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Introduksiyon_sa_Pagsasalin.pdf