Depresyon

2 14
Avatar for Jonaaaa
3 years ago

Ang karadamang ito ay problema ng lipunan

Ito ay mahirap ng solusyunan

Hindi alam kung may makikita panglagusan

Tanging liwanag na lamang ay kamatayan

Laging suot ang maskarang mapagkunwari

Ipinapakita sa mga tao ang matamis na ngiti

Ngunit ang nasa likod naman nito ay mapait na pangyayari

At sobrang nararadamang pighati

Laging problemado

Sa mga ginagawa mo ikaw ay tensyunado

Sa bawat gabi ikaw ay humahagulgol ng todo

At puro kadiliman na lang ang nakikita sa mundo

Kaya ang kailangan mo ay kaibigan maasahan

At pamilyang masasandalan

Dahil kami ang makakasama mong lumaban

May pag-asa pa, sapagkat sa bawat dilim ng buhay na iyong pinagdadaanan ay may liwanag kang masisilayan

3
$ 0.00

Comments

Sarili lang tlga natin makakagamot pag may ganun.kaya paalala lagi pag hindi na makaya ang problema para hindi mapunta sa depresyon,manalangin tayo hingi tayo ng lakas at solusyon.

$ 0.00
3 years ago

Anuman mangyari isipin lagi ntin c papa GOD d nya tau ppabayaan

$ 0.00
3 years ago