Bago pa man dumating ang covid 19 sa Pilipinas, napakadami na sa atin na nakakaranas ng problema kagaya na lamang ng kagutuman, kahirapan, kakulangan sa pinansyal at marami pang iba. Ngunit ng nagkaroon ng pandemia lalong lumalo ang sitwasyon natin mas madaming tao ang kumakalam ang tiyan at maswerte na kung makakain ng dalawang beses sa isang araw. Hindi madali ang sitwasyon ngayon, hindi natin alam kung ano ang magyayari bukas, kung may makakain pa ba, kung may tao pa ba na tutulong sa akin magkaroon lang ng kaunting laman ang ating mga sikmura? Walang nakakalam kung kailan muli babalik sa normal ang lahat. Walang nakakaalam! Ayoko, ayokong sumuko sa sitwasyon na ito. Hindi ang pandemiyang ito ang makakapigil sa mga pangarap ko para sa sarili, sa pamilya ko at sa bayan ko. Ayoko!
1
18
Opo wag po kayo sumuko dahil lahat po ng ito ay pagsubok lamang. Lahat po ay may kataposan. Isipin nalang po ntin n anngyari ang lahat ng ito para sa mas ikabubuti at may rason po ang lahat ng nangyayari. Ang importante po ay, malusog tayo at wla tayong sakit ngyong pandemyang ito. Alalahanin po natin na kasama natin parati ang Diyos sa problemang ito at hindi nya tayo iiwan. Gagaling at magiging maayos rin ang lahat sa araw na itatakda ngvating Panginoon.