First love

0 6
Avatar for Jojo15
Written by
3 years ago

Four years ago. One of my friends gave your number to me. Tenext ko, kaso wlang reply, kala ko wrong #. Pero after 30mins nagreply ka. Mdyo matagal ka nga lang magreply pero ok lng, alam ko kcng may wrk ka. May pagkasuplado ka sobra! Pero d kita tinigilan kc gusto ko makipagkaibigan. Boring rin kc sa work ko kya pinagtyagaan kita! Hehehe. Nung tumagal naging ok tayo. Untill one day pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko. Sabi mo dadaan ka. Kc malapit lng bhay mo dun, kala ko d mo totohanin kc nga may work ka. Nagulat na lng ako ng dumaan ka sakay ng motor. Sumigaw kpa "hi taba!" . Mula ng araw na yun mas naging ok tayo. Nang hingi ka pa nga ng picture ko.

Sabi ko "anong gagawin mo?"

Sabi mo "ilalagay ko lng sa wallet ko" .

Tpos bigla mong sinabi sa akin na " pwd bang manligaw?"

May hiya sa boses mo alam ko yun. Kaso natatakot ako na maging panakip butas kasi alam kong di ka pa nakakamove on sa xgf mo. Pero tinggap mo prin na maging magkaibigan lng tayo.

Masaya ako pagkasama kita. Wla tayong ginawa kundi mag usap, magkwentuhan sa cp. Dahil malayo ang bhay ko sa inyo. Kaya nagdecide ako na lumipat ng work malapit sa inyo . Madalas tayo magkita, nag uusap tayo, nagtatawanan, iniintay natin ang paglubog ng araw sa tabing dagat! Nakakamiss. Pero minsan na papaisip ako , paano kaya kung sinagot kita. Ang saya siguro. Pero naging kuntinto na lng tayo sa nagiging "parang tayo Pero hindi". Nandyan ka pag may problema ako. Nandun dn ako pag may problema ka. Dinadamayan natin ang isat isa. Masaya pa tayo ng chirstmas at ng new year Hanggang, isang araw d ka na nagparamdam, kala ko bz ka lng kaso dumaan ang isang araw, isang linggo Hanggang isang buwan. Sinubukan kitang kalimutan khit masakit nag focus na lng ako sa trbho. Hanggang isang araw tumawag ka na ngangamusta!

Sabi ko" ok lng nman ako! Humihinga pa"

Sabi mo" buti naman.

Pagkatpos nun d ka na nman nagparamdam.

Hanggang isang araw dumating cia, yung lalaking magpapabago sa buhay ko. Niligawan nia ako. Sinagot ko agad sia. Akala ko mababaling sa kanya ang atensyon ko. Kaya pumayag ako na magsama kme. Pero mali pala ako. Ikaw parin pla yung Mahal ko.

Hanggat isang araw na laman mo na may kinakasama na pla ako.

Sabi mo" bakit nagpadalos halos ka? Bka pagsisihan mo yan sa Huli!"

Sinubukan ko makipagkalas kaso ayaw nia. Umiiyak sia, nagmamakaawa. Kya tinuloy ko na lng yung pagsasama nmin. Khit yung isip at puso ko, nkatuon prin Sayo.

Lumipas ang ilang taon Ikaw prin yung nsa puso ko. Hanngat nabalitaan ko na mag gf kna. Triny ko mag stalk sa fb mo.. totoo nga! Masaya kna. D kita kayang makitang masaya kasama ang iba kaya blinock kita. Masakit sobra. But after 3years of pain na naramdaman ko Sayo, kanina nagtry ako tumingin sa fb mo. I'm glad to say na. I'm totally move on Sayo. Wla na akong nararamdamang bitterness. Masaya na ako pra sa inyo. You deserved each other. I'm also happy w/ my family now.

2
$ 0.00
Avatar for Jojo15
Written by
3 years ago

Comments