Cosmos

0 6
Avatar for Jojo15
Written by
3 years ago

Nagsimula na naman dumungaw si haring araw, habang nagkakape sa balkonahe nakita ko ang isang kahel na bulaklak, ang ganda nito at napakatingkad ng kulay. Bigla ako may naalala, nakangiti ako habang ninanamnam ko mga bawat alaala sa aking isipan.

Babalik ka pa ba?

Marahil hindi na! Napaka impossible naman kasing mangayari yun.

Pero para sa akin para Kang isang cosmos, nagbibigay saya sa bawat makakita at tulad din ng cosmos may hangganan din ang iyong Buhay.

Kahit Wala kana ma, lagi mong tatandaan na tulad ng cosmos nag iwan ka ng magandang alaala..

4
$ 0.00

Comments