Dumating ako sa punto ng buhay ko na parang ayaw ko na mabuhay. Napapagod na akong umasa na may magandang bukas pa na darating. Minsan napapaisip ako, baka Karma ko to! Baka ito na yung mga kabayaran sa mga kalokohang pinaggagawa ko. Pero pag iniisip ko kung gaano ako ka swerte sa ibang bagay, napapaluha na lng ako. Maswerte parin Pala ako. Di ko lang napapansin, kasi masyado akong nakafucos sa mga bagay na wla ako.
Kung may natutunan man ako sa buhay, ay yung ipagpasalamat mo yung mga bagay na natatanggap mo sa araw araw, masama man ito o maganda, dahil sa mga pagsubok na bnbgay sa atin dito tayo mas nagiging matatag.
Naniniwala ako na khit gaano man kasama ang isang tao matututo pa rin itong magbago. Tulad na lang ng ginawa ni Hesus, ang kanyang mga disipolo ay makakasalanan ngunit hindi nya ito pinansin bagkos tinulungan nya itong magbago. Maganda din yung napagtanto mo ang pagkukulang mo sa iyong buhay.