Ang aking Inay

0 2
Avatar for Jojo15
Written by
4 years ago

Inay ang tawag ko sa kanya

Siya'y may balingkinitang pangangatawan

May mahabang buhok

At may nakakahawang tawa

Minsa'y nakakainis siya

Mainitin ang Ulo

Maingay

Pero Mahal ko siya

Sanay Di ko sinayang ang mga sandaling kasama kita

Baka sakaling hindi pangungulila at pagsisisi ang aking nadarama

Pumalahaw man ako ng paulit ulit

Khit kaylan di kna babalik

Maubusan man ako ng tinig

Sa kakasambit ng ngalan Mo

Alam kong Hanggang alaala na lng

Kita matatanaw

Ang aking Inay ngayoy nahimlay na

At kahit kaylan di na babalik pa

Sana makasama ka khit saglit pa

Sana mayakap ka khit saglit lang

Paalam Inay sanay masaya kna

Sanay wla ng hirap at sakit

Sa mundong iyong kinaroroonan

Sanay patawarin ako sa kasalanang nagawa

Sapagkat ngayon ko lng nabatid Ang yung tunay na halaga.

PAALAM AKING INAY

1
$ 0.00

Comments