Merong isang kwento na sadyang kinagigiliwan ko
Isang taong nag bago dahil sa kathang isip na kanyang binuo
Binuo ng pagmamahal at sakit sa dulo
Kaya basahin niyo ng taos- puso sapagkat sa tingin ko kayo’y matututo
Ito’y aking sisimulan sa simpleng pagtingin niya sayo araw- araw
Na siyang nagpapabilis sa takbo ng kanyang puso’t isipan kapag lumalapit na ay ikaw
Bakit nga ba palaging ikaw, sa kanyang isipan lumilitaw
At kinadalamhati kung hindi masilayan ang iyong ngiti na ‘sing ganda ng sikat ng araw.
Sa araw-araw sa gate palaging naka abang
Ang tingin niyang sadyang hinahanap ay ikaw lamang
Minsan nga, siya’y natatawa kapag nahuli mo siyang sayo’y nag- uusisa
Kung darating ngaba o aabsent pala.
Mga panahong ika’y kanyangg nasisilayan
Buong katawan niya’y punong-puno ng munting kilig at kasiyahan
Na siyang nagpapaganda ng kanyang umagahan hanggang sa haponan
Kay saya niya di mo ngalang namamasdan.
Sa tuwing may gagawin palaging sayo mayhihiramin,
Sa munting effort kanyang pinapakitin
At sabay hiling sa Panginoon na iyong mapansin
Ang simpleng “thank you” na sinilid sa bag na palagi mong binibinbin.
Naalala ko nga, sa panahon na may okasyon silang gagawin
Mga dancers ay hindi pa handa sa kanilang sasayawin
Kaya pinahiram mo sa kanila yung gamit mong kay mahal kung tutuusin,
Pero dika nag alin- langan na silay pahiramin, kaya’t unti- unting nahulog sa‘yong piling
Sa mga araw na pinapahiram mo ang gamit na iyon
Laking pagtitiwala sa kanya iyong pindama noon
Kaya di niya maiwasang humanga sa mumunting aksiyon
Na iyong pinapkita sa kanya sa mga panahon ‘yon
Bukal pa saaking isipan noong ikinwento niya saakin
Na siyay kinilig noong palagi mo siyang hinahatid sa labasan malapit sa hardin
Sa mga panahong may importanting gagawin
Ito kanyang kinikimkim upang ikaw lang ay kanyang makapiling
Kapag siya’y may problema at ika’y natatanaw ng mga mapungay na mata
Siya tumititig sayong magandang mukha upang mawala
Ang problema na kanyang dinaranas at dinadala
Kaya laking pasasalamat at palaging nandiyan ka
At umabot ang panahon na ‘dina sila nagkikita sapagkat bakasyon na
Plagi niyang kina katha sa isipan ang ‘yong mukha
At mga perspektiba na kanyang kinagigiliwan
Upang ika’y hinding hindi niya malilimutan
Sa mga panahong siyay ganyan
Di niya namalayan na 3 years na pala ang lumisan
Noong siyay nagsimulang makaramdam
Ng isang paghangang nakapagpabago sa kanyang buong kalamnan.
Ba’t pangaba sayo umaasa? Ang araw araw na tanong niya
Na ika’y’sang kathang isip lang na di saakin mapupunta
Kathang isip na bumilanggo sakanya ng maraming taon na
kaya, time to let go ika nga nila.
Kaya napag isip isip niyang dumilat sa katotohanan
Sapagkat siya’y tuluyan ng nawalan ng isipan
Sa pag iisip sa taong kanyang katha lamang
Bunga ng mapglaro at makapangyarihang isipan
Ang taong nasa kabila sa kwentong ito
Ay walang ibang tao kundi ang nagsulat sa tulang ito at iyon ay ako
Ako na malayang Malaya na isinasakatuparan ang pangako
Pangako sa sarili na hinding hindi na ulit mabibigo.
Maraming salamat sa pagbasa hanggang dulo,
At palaging pagkakatandaan niyo
Na wag pairalin palaagi ang ating mga puso
Bagkus, sabayan ng isip upang tayo ay hinding hindi na ulit madadapa’t mabibigo.