read.cash Log in

@Johanna0622

Joined 22 September 2022 · 104 posts

Dakilang tambay with a degree!!

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Johanna0622

Bingo Kagabi ay naglaro kami ng bingo kasama ang aking mga magulang, kapatid at kapit-bahay hahahhaha. Mga kalagitnaan na noong sumali ako kasi may ginagawa ako noong mga oras na yaon. Nanalo naman ako sa bingo ang kaso isang beses lamang at ngblock out din pala kami at doon ako ay nakabawi. Nanalo ako Isang maulan na umaga sa inyong lahat mate

@Johanna0622

Graduation celebration A simple celebration for my graduation. Sa panibagong libro na aking bubuksa'y panibagong kwento ang masisilayan. Ibat ibang mga tauhan na ang makakasalamuha at panibagong tagpuan ang mapagmamasdan. Ngunit ako pa rin ba ang bida sa istoryang palad ko ang magdidikta? Tuluyan ko ng isasara ang librong aking ginawa sa loob ng 4 na taon sa kolehiyo ay ngayon ay magbubukas muli ng panibago. Ilang taon ko naman kaya gugugulin ang paggawa nito? Walang nakakaalam maski na ako. Ano man ang mangyari naway hiling ko ay kaayusan sa aking hinaharap. Goodluck self at goodluck everyone. Magandang umaga. Ayan pala ang handa ko para sa graduation.

@Johanna0622

Officially graduate The Best is yet to come Welcome in a real battle John Roulm C. Vidal Bachelor of Secondary Education Major in Filipino Best Student Teacher

+1 more

@Johanna0622

Phone Case Dumating na pala yung mga order ko galing sa shopee. Bali tatlong shopee lahat yun hahahaha. Ang dami kong budol at nauubos na ang pera ko. Ayan pala yung binili ko tatlo yang case na yan eh. Yung isa is hindi ko na picturan pero phone case din yun ng Iphone 6s plus ko tapos yung itim naman ay para sa GF ko ang phone nya ay oppo A15s and ang pang huli yung puti ay akin na para sa Huawdi Y8p. Yung dalawang dineliver sa akin siguro bukas ko pa sila ipost. Magandang araw sa inyong lahat

@Johanna0622

Americana Burger/Pasta/Pizza Kahapon ay nagcrave kami ng pasta kaya bumili o nag order kami ng spaghetti meatballs at nakita namin na madami ailang menu kayat dinagdagan na din namin. Yung mga inorder pala namin para sa take out ay pasta marinara ayun (yung pang last na picture) , chicken and cheese quesadilla (yung pang apat na pic), creamy jalapeno (pangatlong pic), at ang pang huli ay austin pizza. Ang sasarap nyan grabe. Binili pala namin yan sa floridablanca branch kaya hindi ganon kaganda yung labas nila kasi pangatlong branch palang nila pero maganda naman sa loob at sobrang sarap pa. Pwede nyo silang isearch sa FB para malaman nyo yung iba pang details regarding sa mga pagkain nila.

+2 more

@Johanna0622

Korean Black eagle air show Kahapon ay may air show dito sa Basa Air Base at malapit lang sa amin kaya nanood kami sa bubong hahhahaha. Mas maganda to doon panoorin sa loob ng Basa eh kaso limitado lamang ang maaaring makapunta at yung mga kapatid ko ay nakapunta ako hindi na. Ang kaso lang kasi sobrang ingay ng mga Jet na yan kaya ang aga ko nagising pero sobrang ganda ng show nila. Search nyo sa FB yan makikita nyo kung gaano kaganda yung performance ng mga Koreano.

@Johanna0622

Taste from the greens and big bite Good morning noise fam nawa'y maging maganda ang inyong weekends. Kahapon ay naglinig kami ng bahay nung kapitbahay namin kasi maglilipat sila ng mga gamit sa bahay nila. Yung bahay nila ay sa gilid lang ng bahay nila bali nagpagawa sila ng bahay sa gilid at yung luma ay sisirain na. Naintindihan ba ako hindi eh hahahahaha. Dahil napagod kami ay deserve namin ang milk tea at big bite. Kaya pumunta kami agad sa taste from the greens at omorder agad ng paborito kong taro na may 50% sugar level. Magkatabi lang kasi yung 7/11 at taste from the greens kaya naisispan na din namin na bumili.

@Johanna0622

Class picture Dahil hindi o wala kaming class picture ayan iedit nalang natin hahahhaha. Pinaedit ko yan sa classmate ko kasi mas techky sya kesa sa akin. Bali 35 pala kaming lahat at kung mapapansin nyo ay 34 lang yung nasa pic yung isa kasi hindi gagraduate charot hahahahaha. Hindi kasi sya nagbigay ng picture nya kayat wala kaming maieedit na ilalagay dyan. Nalalapit na pala yung graduation namin ito ay sa ganap na August 19 next week na yun friday. Tumatanggap na po ako ng gcash hahahahha

@Johanna0622

Strawberry Last last week pala ay pumunta kami ng baguio at nakalimutan kong picturan yung mga dala namin sa pag uwi at ito na ang isa sa mga binili namin. Hinding dindi kumpleto ang Baguio mo kung hindi ka magdadala ng straberry sa pag uwi kaya bumili na kami. Ang mura ng strawberry doon pero kapag binaba na nila ay double ang presyo. Ang sasarap pa ng mga ito matatamis kaya tara kain.

@Johanna0622

Shopee 8.8 Isa din ba kayo sa mga nabudol noong nakaraang araw? Syempre isa ako doon hahahahaha. May dalawang order akong parating kayat kailangang kumayod para magkapera. Tsaka ko na sabihin kung ano ang laman nyang mga binili ko basta mga sariling luho lahat yan. Minsan lang naman ako bumili mga isang beses sa isang buwan hahahah

@Johanna0622

Celebration Isang magandang umaga sa inyong lahat at kakagising ko lang hahahaha. Dahil may nakuha akong award nung nakaraang araw ay magcelebrate muna tayo ng simpleng kainan dito sa my Oh My Grill na makikita malapit lang sa bahay namin. Sulit na sulit na ang pagkain at napakamura pa sa halagang 199 my unli samgyupsal ka na. Kasama ko pala yung girlfriend ko at yung isa naming kaibigan na nagpicture. Paumanhin sapagkat hindi ako makapagpost araw-araw pero sinusubukan ko naman na magpost. Hahahahha

@Johanna0622

Outstanding Pre-Service Teacher Nagkaroon pala kami ng recognition kahapon kaso online nga lang at ayan may nakuha akong award thank you lord. First time kung kailan maggagraduate pa doon nakakuha hahahhahaha. Kailangang icelebrate ito dahil may award ako kaso wala ng pera kaya ipon muna. Sa sunod na ang celebration. Sipsip kasi ako sa teacher kaya nakakuha ng award hahahahha. Gayahin nyo ako para magka award din kayo. joke hahahahha.

@Johanna0622

Samgyup sa bahay Tara kain tayo ulit samgy hahahha sa halagang 550 ay may samgy ka na ang mahal nuh pero sobrang sarap nito. Pero yung inorder namin is yung 750 pesos kasi may hot pot ka na at may samgy ka pa hahahha hindi namin akalain na nakailang order kami sobrang sarap kasi. Yung post ko kahapon at ngayon ay isa lang pero magkaiba ko pinost. Ang sarap dito grabe makikita nyo pala itong kainan na ito sa Telebastagan Pampanga. Unli lahat ng makikita nyo dyaan at kung may tira kayo kahit saan ay may bayad na 50 pesos sa side dish at 70 naman sa chicken.

@Johanna0622

Hot Pot Nag crave yung kasama namin kayat kumain kami ng hot pot sa Telebastagan Pampanga. Yung pangalan pala ng kainan doon ay Samgyup sa Bahay at grabe sobrang sarap ng kainan nila ang kaso medyo pricey pero sulit ang price na 550 per person. Yung nasa kaliwang side is maanghang tapos yung nasa kanan naman ay yung hindi maanghang. Kung makikita nyo yung mga laman grade ang sarap. Ang hot pot po pala o mas kilala bilang Shabu Shabu sa pilipinas ay a Chinese cuisine.

@Johanna0622

Happy 1st birthday Lilo Last week pala ay birthday ng pusa namin kayat ayan binilhan namin sya ng cake. Yung cake nya is mura lang kaya nakabili kami. Yung pusa na ito pala is persian yan at aa tingin ko nakita nyo na sya sa mga past post ko. Nabili namin sya dati ng 10k ata kung hindi ako nagkakamali. Lumalandi na tong pusa namin na to. Lalaki pala iyan. Huwag nyong pansinin yung bata sa likod kapit bahay namin yan hahahhahaha

@Johanna0622

Shopee for doggy Nagtry akong bumili ng dog food ng alaga namin sa shopee at ang mura ng dog food nilA kesa sa malapit dito sa amin. 200 kasi per kilo nyan dito sa amin kaya sa shopee nalang ako bibili mas mura pa. 3150 yan nakatipid ako ng 850 sigurado akong makakarelate dito yung mga mahihilig sa mga aso o pusa na binibilhan ng dogfood o cat food ang mga alaga nila para sa biggle at french bulldog ko na alaga yung dog food na ito at sigurado ako na happy nanaman sila at ako ay butas ang bulsa hahahhaha......

@Johanna0622

Graduation pictures 2 weeks before ay nagpost ako ng graduation pictorial namin ngayon naman ay nandito na ang mga sample pictures at ayan yung mga nagustuhan ko sa mga pictures ko. Sa totoo lang ang hirap ngumiti kasi nanginginig yung pisngi ko kaya ang panget ng ngiti ko hahahahha. Kung makikita nyo yung iba ay matatawa kayo sa ngiti ko kasi may pilit, hindi pantay na labi at marami pang iba hahahhaha. Yung mga pictures pala sa baba yung pangalawa yung ipapaframe ko 11x14 yung size nun tapos yung iba is 5x7. Marami pa yun eh nakalimutan ko na yung iba.

+2 more

@Johanna0622

Valley of Colors (La Trinidad, Benguet) Ilang araw nanaman akong hindi online dahil sobrang BC ko na talaga ngayong month. Pero patapos naman na kayat makakapagbalik loob na kay noise hahahha. Pumunta pala kami ng Baguio kasama yung mga kapatid at tatay ko. Ang KJ ng tatay ko nagyayayang umuwi agad hahahhaha. Pero ang ganda ng Baguio grabe mag eenjoy ka sa mga tanawin at sa mismong lugar. Marami pa kaming ginawa doon eh kaso isa isa lang natin ipost. Ayan pala yung valley of colors na pangalawa naming pinuntahan ang ganda at may bridge pa dyaan eh kaso ang daming nagpipicture kaya hindi na ako nagpapicture dito nalang maganda din naman.

@Johanna0622

DHVSU Magandang araw sa inyong lahat. Ito pala yung swimming pool na kakatayo lang sa school at may kapihan din na tinawag nilang Cafe Honorio. Dahil bagong tayo lang at hindi pa nagagamit dahil sa pandemic ay ayan magpicture tayo. Ang ganda ng pool nila at ang linis kaso sa school to kaya hindi kami makakalangoy hahahahha. Ang lawak din pala ng pool kung nakikita nyo yung pic at medyo malalim yung ibang parte. Gagraduate na ako kaya picture-picture tayo sa school.

@Johanna0622

Cutecs Naggoogle pa ako sa spelling nyan hahahhaha. Halos 1 week na pala akong hindi nag online. Sobrang BC ko kasi ang daming pinapagawa sa akin kayat ngayon lang nakapag online. Pumunta ako sa GF ko at pagpunta ko ay sabi nya lagyan daw nya ng kulay yung kuko ko hahahahha. Ayaw ko talagang lagyan to kaso mapilit sya kaya pinalagyan ko nalang. Yung kulay na nilagay nya ay black at green sabi ko pero sabi nya mali daw ako dahil midnight black at green tea daw yung kulay eh parehas lang naman yun. Iba lang tawag.

@Johanna0622

Krispy Kreme.. Hindi nanaman ako nakapag online kahapon kasi sobrang BC talaga. Ganto talaga kapag graduating tapos class mayor ka pa sa room. Double ang pagod ko. Isang magandang araw sa inyong lahat mga ferson hahahhaha. Binigyan kami ng kapitbahay namin ng doughnuts mula sa Kripy Kreme kayat ipost natin. Masarap yung doughnut na to kasi plain lang sya at medyo mura yung may mga flavor na iba kasi ay mahal na. Sakto yung binigay nila anim kasi anim din kami sa bahay. Ang sarap talaga nito.

@Johanna0622

Jollibee.. Nagutom kami ng mga kasama ko kayat nagjobeeee kami hahahahhaha. Bumili kami nung mga ginagawa ng mga couple yung dalawang patties tsaka dalawang chicken tapos pinaghatian namin yun. Then bumili kaming mga lalaki ng tag iisang extra rice.. Ang mahal ng extra rice sa jobee 30 pesos yawang yan hahahahhaha. Tapos humingi kami ng refill ng gravy. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami ng mga kasama ko buti nalang at naka tric sya kaya sabay sabay kaming umauwi at hinatid.

@Johanna0622

Graduation pictorial Sobrang BC ko kahapon kaya hindi ako nakapag post at nakapagbigay. So ayun BC kasi ako sa pagpapapicture para sa graduation ko kaya hindi ako makapagpost kahapon at ayan yung mga pic na galing sa phone ko. Syempre graduation yan kaya dapat package 3 ang kinuha ko nuh. 1500 yung package 3. Madaming pic na yun kaya ayun inorder ko. 1500 Barong Student teacher uniform Toga with cap Toga without cap Creative shot Barkada shot Basta madami yan hahahahha.

@Johanna0622

Rainy morning.. Isang maulan na umaga sa inyong lahat. Grabe kagabi pa umuulan dito sa amin at hanggang ngayon ay naulan pa din. Medyo baha yung ilang daanan dahil sa ulan. Ang sarap matulog kapag ganto Ng panahon eh malamig kasi. Pasensya na sa iba kung hindi ako masyadong online hehehhe. Bc kasi ako sa school madaming pinapagawa sa akin kasi class mayor ako. Tsaka graduating pa.

@Johanna0622

Portfolio.. Kakatapos ko lang maipaprint yung portfolio namin ng mga classmates ko. Grabe ang pagod ko dito ah inayos ko lahat ng mga kailangang ayusin at pinagpuyatan ko ang mga dapat tapusin. Medyo malaki din yung nagastos namin mga 1800 hindi pa kasama pamasahe doon. Ang layo kasi ng pinag ring bind namin at ang init ng panahon kaya doble ang pagod naming dalawa ng kasama ko. Kamuntikan pa nga kaming maligaw dahil hindi namin alam yung dadaanan hahahahha. Pero ayos lang worth it naman ang pinagpaguran. As a class mayor kasi medyo madami kang responsibilidad na kailangang gawin at laging sayo lahat ang inuutos pero okay lang naman kasi natututo naman ako sa mga pinapagawa sa akin. Kung makikita nyo yung 3rd picture ganyan kakapal ang mukha ko diba ang kapal joke hahahahaha.

@Johanna0622

Volleyball.. Kagabi ay nanood kami ng volleyball dito sa aming barangay. Nanalo yung street namin at halos dikit lang ang labanan. Ang galing nila maglaro. Kasama sa mga naglaro yung pinsan ko at yung classmate ko dati. Player silang dalawa ng school tapos yung kalabandin nila ang gagaling. Syempre todo cheer kami. Pagkatapos ng volleybal ay may basketball din ang kaso kailangan ko ng umuwi kasi ang lakas ng ulan non at nawalan din ng power kaya naputol yung laro at pinagpatuloy naman.

@Johanna0622

Dragon Fruit.. Dumating yung kapatid ko galing Batangas at may dala silang dragon fruit kayat ayan kinain ko na. Ang sarap sarap talaga nito at matamis pa. Naubos ko yung isang buo nyan at ako lang ang kumain hahahhaha masarap kasi. Madami pang ganyan silang dala kayat madami akong makakain nyan. May dalawa palang kulay yang dragon fruit na dala nila ayang kulay puti at yung isa ay kulay pink ata yun or violet basta yun. Mamaya ulit kakain ako nyan. Ngayon lang nagkaroon ng internet kayat kaya ngayon lang nakapag post. Yawa kasi na connection pawala wala kaya hindi makapagpost.

@Johanna0622

Apartment.. Napag-isipan ng lolo at mga tita ko na magtapyo ng apartment dito sa gilid ng bahay namin. Kasi masyadong malawak yung lupa namin at wala mang mga nakatayo. Apat na butas o apartment yung pinagawa yung tatlo ay tapos na tapos yung isa naman ay ginagawa na. Kung mapapansin nyo ay masyadong malaki yung nagawang apartment kayat medyo malaki din ang bayad. Yung ginagawa naman na apartment at maliit lang hindi tulad noong tatlo na nauna. Mga 5500 or 6000 yung renta sa apartment na ito at ngayon naman ay sinusubukan namin na gawing 5000 nalang. Tapos yung maliit naman ay 4500 or 4000 ang renta.

@Johanna0622

Recognition.. Recognition ng aking bunsong kapatid kaya ako ang aakyat. Wala kasi sila mama at papa pumunta sa Batangas dahil graduation naman ng tito ko sa sunod ko na sya ipost ngayon ito munang kapatid ko. Grade 11 na pala to at nakakuha sya ng With Honor at ako yung umakyat. Ang aga akong ginising kaya medyo puyat. Dapat mas maganda yung susuotin ko dyaan eh ang kaso yung kapatid ko sinabi na feeling na ako daw ang sasabitan hahahhaha. Sa totoo lang napagkamalan nga akong estudyante ng guard hahahhaha. Sabi ba naman nya habang naglalakad ako student ka din ba nak? Mukha ba akong bata? Joke hHahha Pagkatapos kong pumunta sa recognition ng kapatid ko ay naggala naman ako heheheh.

@Johanna0622

Mobile Legends:Bang Bang.. ML for short. Magandang araw sa inyong lahat. Ngayon nalang ulit ako nakapaglaro ng ML at nag end season na pala kaya laruin natin legend na ako baka sa mga susunod na araw ay mythic na nyan. Habang wala pa yung graduation namin ay maglalaro muna ako nito pampalipas ng oras lang. BC ako ngayong araw kasi sasamahan ko yung kapatid ko sa recognition nila wala kasi yung nanay at tatay ko ngayon nasa Batangas dagil graduation ng tito ko na nagsundalo. Naglalaro ako ng ML minsan kapag stress o kaya ay pampalipas lang ng oras. Minsan addict na din heheheh. Kayo ba ano yung ginagawa nyo para lumipas ang oras o pampatanggal ng stress nyo???