Museo..
Pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang museo dito sa Angeles Pampanga mga tatlong sakay lang ang ginawa namin makapunta lang dito. Medyo malapit ng onti sa Floridablanca kung saan kami nakatira.
Libre lang pala ang pagpasok dito at kung gusto mo na mag bigay ay pwede kasi may donation box naman. Madami kang matututuhan dito kaya subukan nyo na din na pumunta. 2 floors yung museum na yan kaya sulit na sulit ang pagpunta nyo. Mababait din yung mga nagbabatay kaya hindi ka mahihiyang maglibot sa loob.
Yung ibang picture ay sa ibang araw ko nalang ipost hahahahha. Tara punta na ulit..
Re-make..
May nire-make kaming picture ng mga kasama ko at yung picture na yun ay yung unang picture. Kinuha yung picture na yan noong 1st year college ako tapos yung isa namang pic ay ngayong gradwaiting.. na kami.
Ang laki ng nagbago sa bawat isa sa amin pero magkakaibigan pa din kami. Sa totoo lang madami kaming magkakaibigan eh kaso yung iba hindi sumama kaya kaming lima lang ang nandyaan yung isa is hindi muna namin pinasama kasi nag remake muna kami ng pic. Pagkatapos naming magremake ng pic na yan ay sumama na sya.
1st year to 4th year na graduating na parang kailan lang nung pumunta kami dyaan tapos ngayon maggraduate na kami..
Ang sarap balikan ng mga ala-ala na yan nakakamiss. Waiting nalang kami sa graduation para makapaghanap na ng trabaho..
Date..
Kumain kami sa labas ni Jowa kagabi kaya ayan ipost natin.
Simpleng kainan lang sa labas yung ginawa namin.
Bumili ako ng takoyaki, lomi at fries. Medto mahal yung tinda doon sa pinuntahan namin pero masasarap naman at busog na busog ako sa mga kinain namin.
Lumabas kami kasi monthsaray namin nun. 1 year and 7 months na pala kami parang kailan lang ah.
Missing Cat!!
Kahapon ay nawala yung pusa namin na si Calli. Tumalon kasi sya sa likod ng apartment namin eh ang taas nun at nagtaka kami kung paano sya nakatalon doon.
Kung saan-saan namin hinanap yung pusa na ito kahapon at nagtanong tanong din kami sa aming mga kapit bahay pero wala talaga hahahahhaha..
Ito yung unang pusa namin na dumating eh na tag 8k.
Kung sino man po ang makakita sa pusa namin na ito ay please pakiuwi po sa aming bahay.
Certificate of appreciation..
Thank you very much to my student BSBA 2 na nagbigay ng certificate na ito. I really appreciate it I will miss you all my dear students.
Thank you very much kahit na matigas ang ulo nyo at kung minsan ay hindi kato sumasagot kapag tinatawag ko kayo during our online class hahahaha.
Again thank you very much.
As a student teacher ninyo ay nakakataba ng puso na malaman na na-appreciate nyo yung pagtuturo namin.
Nakaya namin na maggraduate at sigurado na kakayanin nyo din. Tiwala lang at magtulungan...
Graduation Meeting
Nagkaroon kami ng meeting kagabi para sa aming graduation ginawa ito sa pamamagitan ng gmeet. Umabot din ng isang oras yung meeting namin peeo okay lang kasi para sa graduation naman ito.
Napag-usapan namin ang tungkol sa grafuation picture, toga, at yearbook. Mura lang yung picture namin para sa graduation 650 ang kaso hindi kasama ang make up at barkada shot dito. Hindi naman mandatory to kayat kahit hindi ka na mag avail ay okay lang din naman.
Simple lang yung magiging graduation namin kayat hindi magastos at sagot na kasi ng UNIFAST yung ibang gastusin.
Gaganapin yung graduation namin sa August 19, 2022. Sa araw na iyon ay magiging "DAKILANG TAMBAY WITH A DEGREE" na ako hahahha...
Attitude..
Galit na galit yung mukha ng pusa namin dito oh hahahahahaha. Igagala lang naman namin sa labas ayaw pa ata.
Lilio mas gusto mo ata sa loob ng bahay kesa sa labas ah. Pero kailangan na magpaaraw ka kaya lalabas tayo hahahahha.
Ang kulit nya at gustong makipaglaro tapos kapag titigilan mo naman syang laruin magagalit pa ata itong pisa na to. Sapukin kita dyan eh joke.
Magandang araw sa inyong lahat...
Oreo and Lemon..
Si Oreo yung kulay puti at si Lemon naman ang kulay brown. Bakit ganyan pangalan nila? Simple lang kasi kumakain ng oreo at leom yung may ari nila nung araw na nag-iisip sila ng ipapangalan hahahahahha. Ayan tuloy ayan pangalan nila.
Biggle pala si Lemon tapos si Oreo naman is American Bully or buldog ata nakalimutan ko na hahahahha.. Dalawang taon na ata o tatlong taon na sila simula nung binili.. Ang mga pagkain nila ay dog food at minsan naglalaga kami ng mga gulay at sinasabay sa pagkain nila. Kapag hapon naman ay binibigyan namin sila ng yelo at yun dinidilaan nila. At ang panghuli ay naka electric fan yan. Sana all aso hahahahaha.
Budol
Shopee budol so ayun umorder ako sa shopee last week and dumating na sya. Bumili ako ng tempered glass na 4 tag dalawa sa phone ko. Dalawa sa iphone 6s plus tapos dalawa din sa huawei y8p at tiyaka bumili na rin ako ng isang earphone na medyo mahina ang sounds pero okay naman na.
Sumabay sa pag order ko ang kapitbahay namin at bumili na din sya ng isang hikaw at dalawang relo. Ayos naman ang nabili nya at maganda para kasi sa anak nya yun na laging nakakasira ng gamit hahahahha. Kaya ayan yung mura nalang binili namin.
Sanay na akong mag lagay ng tempered glass sa phone kaya ako na mismo ang bumibili at nagpapalit ng mga ito. Nakamura pa ako. Sa halagang 15 pesos ay naayos ko na ang tempered ng mga phone ko. Pwede na akong makipaglaban sa mga kanto ng pabilisan na magpalit ng tempered glass joke yahahha.
Happy budol mga kaingay...
Boracay..
Mapapasana all nalang talaga ako dito sa sinend ng tita ko sa GC namin. Birthday kasi ng pinsan ko kayat pumunta sila doon. Inggit si ako gusto ko din na sumama hahahhaaha. Kung may PERA lang talaga ako eh sasama ako dito eh kaso wala kayat pumunta at nilibot ko nalang ang apat na sulok ng bahay namin wahahahhaha. Enjoy kaya
Happy birthday sa pinsan kong ito and more birthdays to come ang pangalan pala ng pinsan kong to is Xan Zairy V. Oronos.
Medyo may kaya yung tita ko kayat kung saan saan sila nakakapunta. Sana all hahahaha..
Lillio..
Happy sunday everyone hahahahhaha.dahil sweet ngayon ang pusa namin ay kailangan na ipost yan.
Habang naglalaro kasi kami ng mga kapatid ko ng tong its ay lumapit itong pusa na ito para makigulo at ito naman ako buhat sa kanya at ipet ko sya. Tapos baba at pagkababa ko naman ay umakyat ulit hahahahhaha. Ayaw bumaba ayun naglalambing na pala cute.
Dahil dyaan ay pipicturan kita ng madami ayun madami nga kaso di ko mapost yung iba at panget yung kuha ko. Namili nalang ako ng maayos na pic.
Enjoy your sunday and dont forget to go in chuch....
7 eleven Ice Cream..
Hindi ko alam kung ano yung tawag nila sa ice cream na to eh. Basta ice cream yan ng 7 eleven hahahhahaha
Dahil sobrang init kahapon ay napag-isipan ko na bumili ng ice cream sa 7 eleven ngunit wala silang cone kayat sa plastic cap nalang nila nilagay pero madami naman yun at umaapaw kayat naparami ang kain ko.
Habang kumakain ako ay naisip ko yung nga kapatid ko kayat nagchat ako sa gc namin kung gusto din ba nila at mag uuwi ako at gusto naman nila kayat bumili ako ng lima. Tag 15 pesos lang pala yung ice cream nila kayat okay lang na bumili. Oo nga pala yung binili ko is yung mix vanilla and choco mix....
Dunkin Doughnuts.. Dahil may extra money kami ng mga kaibigan ko ay naisipan namin na bumili ng maiuuwi na pagkain at ayan ang binili namin Doughnuts.
Sa halagang 299 ay may dalawa ka ng box ng doughnuts. Napakamura na nito kumpara sa ibang doughnut store tulad ng Krispy Kreme at J.C.O doughnuts. Medyo may kamahalan ang mga iyong dalawa pero sobrang sarap naman kaso medyo prixy. Masarap naman itong dunkin pero iba yung sarap nung dalawa.
Dahil dakilang mahirap lang kami ay ito ang binili namin. Pero okay na yun kesa sa wala diba tsaka hindi man kami makabili ngayon ay sigurado ako na sa mga susunod ay makakabili na kami....
Happy Birthday 47th birthday sa aking nanay.. Sa iyong kaarawan naway kasiyahan ang abot kamay. Mga ngiti sa labi ang aming masilayan ngayon sa iyong araw ng kapanganakan. Sa isang maliit na salo-salo ang aming pinaghandaan.
Nagluto pala kami ng carbonara at bumili ng cake at coke. Ayan lang handa namin sa birthday ng nanay ko kasi taghirap ngayon at ang mamahal ng mga bilihin hahahahaha.
Nagpadala pa si ate ng pera para sa panghanda ni mama. Syempre ako nagbigay din kahit na maliit lang.
Dumating din pala yung tita ko dala dala yung aso nila kasi aalis sila at magboboracay. Sana all hahahaha
Chowking
Chowfan with shanghai ayan yung inoreder ko tsaka yung chowfan rice bali dalawang kanin tapoa may apat na shanghai.
Sa chowking kasi ay kanin palang ay ulam na kayat ang sarap sarap kumain. Ang problema ay marami atang iodize kayat kailangan na balance lang. Pero minsan lang naman ako kumain sa chowking kayat lubusin na hahahahha.
So pumunta kami ng mga kasama ko sa SM Pampanga para kumain dyaan. At magwindow shopping. Dapat talaga sa Mcdo kami kakain ang problema ay wala na palang mcdo dito sa SM kasi ang nagtayo na sila ng isang malaking Mcdo at ayon ay ang pinakamalaking MCdo sa Pilipinas (kung hindi ako nagkakamali?) hahahha.
Educational Financial Assistance (EFAP)
Kahapon ay pumunta kami sa Brenzi guiao or convention Center para kunin yung 3k laking gulat namin na naging 4K na pala yung binigay nila kayat sobrang saya namin dahil may increase.
5am kahapon ay nagising na ako at mga 6am naman ay umalis na kami ng bahay at kasama ko pala yung pinsan ko kayat libre ang pamasahe ko papunta sa sakayan.
Sumakay kami ng jeep papunta sa intersection at pagbaba namin doon ay mayroong libreng sakay kayat tuwang tuwa kami kasi libre nanaman ang pamasahe. Maraming libreng sakay doon sa San Fernando kayat hindi ka mapapagastos masyado.
Noong nakarating na kami sa brenzi ay nag-attendance at kumuha na din kami ng pagkain oo may libreng pagkain dito na burger steak mula sa Jollibee at isang tubig. Yung classmate ko naman ay binigay nya sa akin yung kanilang burger steak kayat may inuwi pa ako sa bahay...
Ang problema ko ay hindi ko dala yung ID ko para sa Cheque hahahahha. Ayun hindi ako nakapagpalit kayat aalis ako ulit ngayong araw para maipapalit ko na..

Late na ako babati ng Happy Fathers day sa lahat ng mga tatay dyaan..
So aalis pala ako ngayong araw dahil kukuha ako ng scholarship galing sa governor namin. 3k din yun every semester kayat kailangan namin na maaga.
5:00 am palang ay gising na ako kasi 6:00- 7:00 am ang call time nila. Ang location naman is Brenzi guiao. Ang aga ng call time
Maya ulit
Happy 100+ Subscribers
Tayo'y mag diwang mga kaingay dahil umabot na kayo sa isang daan. Yehey!! Kahapon 100 nakita ko ngayon naman ay nasa 102 na kayo. Sana ay mapasaya ko kayo sa mga post ko.
RL Resort Part 2
Syempre hindi ako papahuli sa picturan. Ayan puro mukha ko ang makikita nyo diba ang GWAPO ko hahahahha. Walang aangal mga mates minsan lang to kaya lubusin ko na hahhahahah.
Dumating kami dito sa RL resort ng mga bandang 9:00 AM tapos umuwi kami ng mga 5:00 kunh makikita nyo yung pictire sa ika-apat ay sobrang itim ko hahahahha. Ayan ang napapala ng sobra mag enjoy sa swimming tapos magpapapicture pa ako sa graduation ko. Oh diba ang itim ko nyan sa picture.
Tapos naka Iphone ako kayat automatic cellphone ko gagamitin naka 600+ na picture sila pero ang pic ko 10 lang. Ang galing diba hahhahaha. Sila talaga ang may ari ng phone ko.
Magandang araw sa inyong lahat mga mates....
RL Resort
Isang magandang araw sa inyong lahat. Nagswimming pala kami kahapon dito sa RL resort located sa Mancatian Porac Pampanga. Maganda naman yung mga pool nila at slides lalong lalo na yung wave pool.
Sa halagang 250 pesos ay makakapasok ka na at may bayad din pala yung mga pagkain na 500 pesos naman.
May oras lang pala ang paggamit sa wave pool nila kung hindi ako nagkakamali 10AM, 12PM, 3PM, at 5PM ayan yung mga oras na pwede syang gamitin at mga 15 minutes lang ata ayan binubuksan ang kaso medyo mababa yung wavepool nila pero masaya naman.
Meron pang other activities na pwedeng gawin dito eh tulad ng wall climbing, archery, at madami pang iba ang kaso hindi ko natanong kung magkano.
Yung place naman ay maganda din kasi ang daming mga tanim sa paligid at malinis naman yung pool ang kaso may mga part na natanggalan na ng kulay kasi hindi pa nila kinukulayan ulit.
May life guard din pala na nagbabatay kayat sigurado na safe ka lalo na kapag napunta ka sa akin hahahhaha joke.
Alak..
Part 2 ito nung samgy. So afyer naming magsamgy ay pumunta naman kami sa bahay namin para sana magkwentuhan lang ang kaso naisip naming uminom kayat nag ambagan kami para bumili ng Gin at Tang.
Mayroon din kaming red wine na kinuha naman ng kaibigan ko sa bahay nila. Masasabi ko na masarap yung gin na hinaluan ng tang tapos pinapaapoy. Grabe ang sarap lalo na sa una ang kaso habang tumatagal kayong umiinom ay nagiging mapait yung alak. Pero masarap pa din hahahha.
Hindi ko po kayo inaanyayahan na uminom lalo na kung mababa ang alcohol tolerance nyo tulad ko hahhahahah joke.
Isang magandang araw sa inyong lahat. Enjoy tayo dahil friday ngayon at weekends na po bukas...
Samgy..
Wala kaming pasok kahapon kasi Pinatubo Day o ginugunita namin dito sa Pampanga at ilang karatig na probinsya ang pagputok ng Pinatubo.
Nagkita kita kami ng mga kaibigan ko sa kainan na samgy. Yung pangalan ay Oh My Grill. Madaming kumakain rito kasi mura na at masarap pa. Ang price nila is 199
Pagkatapos naming mag samgy ay pumunta kami sa bahay at nag inuman naman.
Magandang araw sa inyong lahat.. Kamusta kayo?
Pagbati ng isang maligayang kaarawan dito sa bulinggit na ito.
Birthday ng anak ng klassmate ko kahapon at ngayon ko palang siya babatiin. Ang sasarap ng mh lutong ulam nila. Medyo malayo lang sa bahay namin at gabi kasi yung handaan so bali mga 10 na ako nakauwi sa bahay kayat isang katutak na sermon ang binigay sa akin ng aking mga magulang hahahhaa.
Nagkaroon ng onting inuman at sabi nila ay hindi pwedeng umalis kung hindi iinom kayat napainom ako. At ayoko ng masundan pa ulit yun ang sakit kasi sa ulo hahahhaha
Ayan aalis nanaman ulit ako mamaya dahil magsamgy daw kami.
Tara kain.. Nagutom kami ng mga kapatid ko kagabi kayat pumunta kami sa malapit na kainan dito sa amin. Hindi man ito sa tunay na mang inasal ay medyo masarap naman.
Ayan inorder namin. Isang chicken na unli rice din at shanghai with fried rice. Mura lang naman yung mga ito kayat naparami ang bili namin hahahhaa.
Tara kain tayo. Isang magandang araw sa inyong lahat.
Magandang araw sa inyong lahat.. Yung picture na iyan ay kahapon pa kasi sobrang lakas ng ulan kahapon. Sobrang init kasi kahapon tapos biglang umulan. Eh naglaba ang nanay ko kaya sinilong ko ang mga damit nya.
Ngayong araw naman ay mainit ulit at baka mamaya ay umulan kasi ganto din ang nangyari kahapon eh.
Sana nga ay umulan o hindi muna magpakita ang araw. Ayoko talaga na sobrang init. Mas gusto ko ang malamig. Kasi nakakatulog ako at nakakapagpahinga.
Maulan ba sa inyo?
Super bowl.. Tara kain tayo dito. Isa sa mga nasarapan akong pagkain dito sa MOA ay itong super bowl. Medyo mura na at masarap pa.
Kumain kami dito kasama yung tita ko. Hindi ako ang gumastos syempre yung tita ko. Nilibre nya kami at nakadami kami ng fried rice.
Sobrang sarap ng mga pagkain dito at sa susunod ay balak namin na balikan ito para kumain.
Isang magandang araw sa inyo noise mate. Tayo na at mag ingay....
Pizza.. Tara kain tayo. Pagkatapos ng kapaguran ay bumili kami ng pizza dahil natapos na din sa wakas ang aming mga gawain na nakakapagod. Bali anim kami na kumain nyan mga mate tag kalahat bawat isa at masasabi ko na masarap naman sa halaga nyang 120 pesos.
Kapag napagod na tayo ay minsan kasi kailangan nating aliwin ang ating nga sarili o kaya ay kumain at dahil patay gutom ako ay kumain kami nito. Hawaian at ham and cheese pala yang inorder namin at sobrang dami ng cheese kayat masarap.
Magandang araw sa inyo kaingay
Kamayan o mas kilala sa wikang engles bilang boodle fight..
Ngayon ko lang nalaman na ang tagalog ng boodle fight ay kamayan pala. Nagkamayan pala kami ng aking mga kasama (panget ng term hahahahaha).
So ayun bumili yung kaibigan ko ng isang bangus na malaki at yung isa ko namang kaibigan ang nagluto kasi magaling syang magluto at ako ay nanood lang sa kanila kasi hindi naman ako nagluluto hahahaha.. Dakilang palamunin ako dito joke.
Musta pala kayo? Dalawang araw na hindi nagpost ang aking nanay.
PS. Take over ko na daw ang account ng nanay ko na to at ako bilang anak muna ang gagamit. Dahil tinatamad daw syang magtype at wala syang maisip na ipost. Ako nalang daw ang magpost kasi lagi naman akong umaalis hahahaha....
Shawarma...
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!! Halina kain po tayo.. Nanlibre si ako kahapon ng shawarma kasi mura lang at may extra money si ako.. Masarap naman sya sa presyo nya 100 pesos for 2 na so bali 4 binili ko naka 200 pesos din yun..
Yung mga nilibre ko is yung mga kaibigan ko sa school.. Kahapon pa po pala iyan pero ngayon ko lang ipopost. Aalis din pala ako ulit ngayon pati bukas hahahH.. Gala yarn...
Pancakie..
Magandang umaga sa inyong lahat. Halina at tayo ay kumain. Ayan pala ang aming kakainin ngayong araw pancake tapos ay nilagyan ko ng syrup.. Ang sarap nito mga mate.
Dalawa lang ang aking niluto kasi kulang na ako sa ingredients at tipid tipid muna ngayon dahil aalis pa ako pupunta sa kaibigan... Ingat kayo sa inyong lakad..
Red and green.. Pusa ulit kayo dyaan hahahhaa baka nagtataka kayo parang paulit ulit ang mukha nila. Ayan po pruweba na hindi lang iisa ang pusa naming kulay panda hahhahaha.. Lima po silang lahat na ganiyan ang kulay.. Bali itong dalawa nalang ang natitira sa mga muning namin ngayon. Wala pang bumibili sa kanila ngayon. Pero pinagbebenta na namin sila..
Ang dami naming alaga kaya pinaparehoming na namin silang dalawa. Hindi na kaya sa budget.. Ano po ulam nyo kaingay kamu ay magsiopao na gawa sa pusa lang. Joke hahhahaa...