read.cash Log in
@Johanna0622

Portfolio.. Kakatapos ko lang maipaprint yung portfolio namin ng mga classmates ko. Grabe ang pagod ko dito ah inayos ko lahat ng mga kailangang ayusin at pinagpuyatan ko ang mga dapat tapusin. Medyo malaki din yung nagastos namin mga 1800 hindi pa kasama pamasahe doon. Ang layo kasi ng pinag ring bind namin at ang init ng panahon kaya doble ang pagod naming dalawa ng kasama ko. Kamuntikan pa nga kaming maligaw dahil hindi namin alam yung dadaanan hahahahha. Pero ayos lang worth it naman ang pinagpaguran. As a class mayor kasi medyo madami kang responsibilidad na kailangang gawin at laging sayo lahat ang inuutos pero okay lang naman kasi natututo naman ako sa mga pinapagawa sa akin. Kung makikita nyo yung 3rd picture ganyan kakapal ang mukha ko diba ang kapal joke hahahahaha.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.