RL Resort Isang magandang araw sa inyong lahat. Nagswimming pala kami kahapon dito sa RL resort located sa Mancatian Porac Pampanga. Maganda naman yung mga pool nila at slides lalong lalo na yung wave pool. Sa halagang 250 pesos ay makakapasok ka na at may bayad din pala yung mga pagkain na 500 pesos naman. May oras lang pala ang paggamit sa wave pool nila kung hindi ako nagkakamali 10AM, 12PM, 3PM, at 5PM ayan yung mga oras na pwede syang gamitin at mga 15 minutes lang ata ayan binubuksan ang kaso medyo mababa yung wavepool nila pero masaya naman. Meron pang other activities na pwedeng gawin dito eh tulad ng wall climbing, archery, at madami pang iba ang kaso hindi ko natanong kung magkano. Yung place naman ay maganda din kasi ang daming mga tanim sa paligid at malinis naman yung pool ang kaso may mga part na natanggalan na ng kulay kasi hindi pa nila kinukulayan ulit. May life guard din pala na nagbabatay kayat sigurado na safe ka lalo na kapag napunta ka sa akin hahahhaha joke.
4 comments
nice. may mga slides pa
Maganda pero kailangan paghandaan ang pangastos dyan kung pupunta.
Bwahah natawa naman ako sa last part mo mate,well anyway mukhang okay naman ang lugar sulit na rin sa binayad niyo kitang kita ang enjoyment niyo jan
Kay ganda naman jan bro, meron pang wave sarap naman hehehe.. Lagi ka happy happy bro hehe maganda yan para kahit papano maalis mga konti stress sa buhay.. Keep safe always bro