Educational Financial Assistance (EFAP) Kahapon ay pumunta kami sa Brenzi guiao or convention Center para kunin yung 3k laking gulat namin na naging 4K na pala yung binigay nila kayat sobrang saya namin dahil may increase. 5am kahapon ay nagising na ako at mga 6am naman ay umalis na kami ng bahay at kasama ko pala yung pinsan ko kayat libre ang pamasahe ko papunta sa sakayan. Sumakay kami ng jeep papunta sa intersection at pagbaba namin doon ay mayroong libreng sakay kayat tuwang tuwa kami kasi libre nanaman ang pamasahe. Maraming libreng sakay doon sa San Fernando kayat hindi ka mapapagastos masyado. Noong nakarating na kami sa brenzi ay nag-attendance at kumuha na din kami ng pagkain oo may libreng pagkain dito na burger steak mula sa Jollibee at isang tubig. Yung classmate ko naman ay binigay nya sa akin yung kanilang burger steak kayat may inuwi pa ako sa bahay... Ang problema ko ay hindi ko dala yung ID ko para sa Cheque hahahahha. Ayun hindi ako nakapagpalit kayat aalis ako ulit ngayong araw para maipapalit ko na..
4 comments
Mapalad ka ka-noise, malaking tulong sa pag-aaral mo iyan. Lahat ba ng students binibigyan ng EFAP o mga scholar lang?
wow. sna all may ganyang assistance hehe
Bigyan mo nga si ako ng ng numero yong anim pag si ako.nanalo hati tayo ahaha your a lucky kasi more blessings pa at aral ka mabuti
Nakakatuwa talaga may pa libre,laking tulong din nang assistance na yan sa inyo mate ma laki laki rin