Arroz Caldo Hindi ko alam ang spelling nyan kaya nag google ako hahahhahaha. Kahapon ay nag arroz Caldo yung kapit bahay namin tapos yung nagluto ay isang chef kaya sobrang sarap. Medyo kakaiba ang lasa pero sobrang sarap nya mga mate. Madami pa syang niluto tulad ng shrimp puff tapos yung isa hindi ko alam yung tawag pero ang sarap din. Isa sa mga pangarap ko ay maging isang chef pero hindi ako marunong magluto kaya pagkain nalang ako joke. Hahahhahaha. Kung papansinin nyo yung arroz caldo ay kumpleto sa rekados kaya sobrang mapapasarap ang kain. Tara kain tayo
4 comments
Kakatakam naman nito mate parang gusto ko itong agahan :) itong panganay ko mate umpisa 4yrs old pa lang nung tinanong ng adviser niya dati anong gusto paglaki chef daw hanggang 9yrs old na siya chef parin gusto hehe. Ito rin isa kainin kapag maulan ang panahon :)
Chef pala ang nagluto kaya kahit sa hitsura pa lang katakam-takam na.😋
paborito ko si arozcaldo mate mas prefer ako jan kesa kay champorado hehe perfect sa maulan
Correct spelling naman hehe. Mukang masarap nga yan. Madaming sangkap ang manunuot ang lasa kasi eh maliban pa sa katas ng chicken.