My Daily Routine
Since nakabalik kami dito sa probinsya ay ganito na ang aking araw araw na ginagawa. Ill make sure na okay ang lahat, nag uumpisa ang araw ko sa pagpapakain sa aming alagang pato at pabo. Not to mention meron ng isang peking duck binigay ng pinsan ni partner samin para daw sa birthday ni baby girl.
Kasunod noon ang paglilinis sa bakuran ang dami laging dahon dahil nga ang daming puno sa paligid. Gayundin nagdidilig ako ng mga alaga kong gulay, kamatis, talong at labanos.
Masarap sa pakiramdam kapag nakakapagpapawis sa umaga.
Tiyak mga ka momshies ko din dito madami ding gawain sa araw araw. Ganun talaga ang mga momshies gusto lahat nasa ayos . Right
A bowl of noodles
Maagang umalis ang aking partner dahil meron siyang training ikatlong training na niya eto. Milking ang training nilya ngayon kung paano kumuha ng gatas sa mga hayop. Grab na niya ang lahat ng opportunity kasi balak niyang mag abroad at sa farm mag work.
Eto ang prepare ko sa kanya para mainitan ang kaniyang sikmura bago maligo, buti nga din hindi na masyadong malamig ngayon kapag sobrang lamig kasi nakakatamad bumangon at kumilos.
Musta mga momshies diyan na tulad ko siguro katulad ko busy morning nadin. Ingat mga ka noisemates sa buong araw. Happy sunday
Wednesday
Pagbalik namin dito sa Isabela dahil nacurious ako sa movie na wednesday agad agad ko itong pinanuod sa aking free time. Ang dami ko kasi ginawa pagbalik namin naglaba ng isang damakmak na madumi during sa aming bakasyon, naglinis ng paligid at nag alaga ng mga hayop, pati narin pala nag ayos ng mga halaman.
Sa aking free time eto ang pinapanuod ko at talaga namang nahook ako. Ang ganda ng story dahil may mga twist.
Kayo mga ka noisemates napanuod ninyo nadin ba ang movie na ito? Isang scene ito na nakita ni wednesday ang kanyang tito at first time niya na mag smile. Meron din kayang tao ngayon na hindi ng smile na katulad ni Wednesday?
Saturday Breakfast
Makulimlim na umaga mga ka noisemates musta ang lahat. Kain tayo ang aming munting ulam ay eggs, hotdog at dilis. Matagal nadin hindi nakakain ng dilis.
Isang magandang umaga sa lahat
Ice Cream
At biglang narinig ng batang makulet ang kumakalembang na nagtitinda ng ice cream. Kahit malamig ang panahon dito binilhan ko siya, pati nadin ako.
Sa sobrang excited niya sumakay pa, wala akong magawa kundi picturehan nalang siya. Mababaw talaga ang kaligayahan ng mga bata at sa konting bagay masaya na sila, kaya naman masarap din sa pakiramdam na makita siyang ganyan.
Medyo malamig ang panahon dito mga ka noise pero masarap pading kumain ng ice cream.
Act of kindness
Halos three weeks din ang aming bakasyon sa aming mga pamilya. Napalayo kasi kami sa kanila sa halos 2 years dahil pinili muna namin na dito probinsya magstay at mangalaga sa bukid.
Sa aming pagbalik ay may nagbigay pala samin ng isang pack ng may noodles, delata at kape. Galing daw ito sa barangay, hindi namin inexpect na magbigyan dahil kami ay wala at nakabakasyon. An act of kindness kahit kami ay wala dahil naaalala nila kami.
Salamat sa aming butihing kapitan sa kanilang ibinigay.
Kayo ba mga ka noise meron din natanggap ng nakaraaang pasko mula sa inyong barangay?
Bakod sa bakuran
Ngayong week naging busy kami ni hubby sa pagbabakod sa bakuran. Mahirap kasi kung walang bakod ang aming bakuran dahil ang daming pumupuntang mga kambing, aso, manok at kung anu anong mga hayop. Ang gate nalang ang kulang sana magkaroon ng pera para may gate na kami, may nakakalusot padin kasing mga hayop.
Isa nadin sa dahilan din namin ay pinapaganda ang bakuran dahil dadating ang tita at pinsan ni hubby dito yun ang may ari ng bahay at bukid na aming sinasaka kaya naman konting paganda dito para wala silang masabi.
Isang magandang gabi mga ka noisemates
Kamatis
Ang tagal kong hindi nakapag post dito nasira ang aking phone naki holiday din siguro. Nakipasko at bagong taon din. Hanggang ngayon hindi gumagana ng ayos buti nalang meron kaming tablet at eto back to post na ulet.
Musta na sa inyong lahat diyan mga ka noisemates.
Masaya pala ako dahil eto na ang aking alagang kamatis malalaki na sila. Nagbakasyon kami at buti pagbalik namin dito sa probinsya okay pa sila. Thank you Lord.
Patola at Pechay
Meron na namang nag bigay samin dito ng gulay eto ang Patola at Petchay. Unexpected blessings na naman, napakabait kasi ng aming ka churchmate palagi nila kaming binibigyan ng kung anung meron sa kanila.
Ang mga taong mapagbigay ay madaming pagpapala. Kaya naman tuloy tuloy ang grasya nila. Thank you thank you po talaga. Sakto at wala din kaming ulam.
Chicken Feet
Ang bilis ng oras tanghalian na naman, Tara mga ka noise kain tayo ang aking niluto ay chicken feet na paborito ni Hubby.
Medyo matagal nga lang itong palambutin kaya now lang kami kakain.
Isang makulimlim na tanghali mula dito sa aming probinsya. Kamusta kayong lahat mga ka noisemates
Breakfast
According sa napanuod ko huwag daw na hindi kakain sa breakfast dahil hindi daw maganda sa brain ang hindi kumakain sa umagahan. Lalo pa meron akong baby, medyo na alarm ako bilang isang Ina kasi noong mga nakaraang araw tinapay at kape lang kami.
Kaya Tara mga ka noise huwag tayong magpapalipas ng breakfast, it is the most important meal of the day.
Kamias
Isa sa hitik sa blessings ang aming puno ng Kamias dito sa Bakuran. Naka ilang beses na itong namunga at sadyang naman itong sagana.
Sa tuwing nakikita ko ito ako ay masaya pati yung mga ibang puno dito na may bunga.
Isa pa mahilig ang aking baby girl sa mga prutas kaya naman sulit na meron kaming mga prutas sa paligid.
Crispy Breaded Patties
Late na ang aming dinner ni baby girl Buti nalang at may mga frozen foods kami sa ref. Tulad ngayon na hindi makabili ng ibang ulam dahil medyo Malayo ang bilihan ng mga ulam dito.
Tara kain tayo mga ka noise ulam namin Crispy breaded Patties madami lang iluto at okay din naman ang lasa, pwede sa kanin at puwedeng gawin palawan sa tinapay.
Isang magandang gabi sa lahat
Ginisang Upo
Kumain naba ang lahat mga ka noise, eto kami now palang kakain ng lunch ni baby girl. May ibinenta kasi ang kapitbahay na Upo kaya eto ang aking niluto ngayon.
Ang aming simpleng ulam ay ginisang Upo nilagyan ko ng mishua at sardinas. Masarap na naman ang kain ko nito.
Isang magandang tanghali sa lahat
Ginisang Petchay
Ang naging ulam namin ni baby girl ginisang petchay with sardinas. Puro kain nalang kami ni baby girl dahil hindi kami makalabas at maulan.
Anung naging lunch ninyo mga kanoise sarap matulog at kumain kapag ganitong panahon.
Ingat lang kayo palagi mga ka noisemates
Carrot
Nagmemeryenda ngayon ang aking baby girl ang pa meryenda ko sa kanya ay carrot. Nakita ko kasi ang sustansyang dulot nito sa bata kaya pinapakain ko ito sa kanya, mabuti nadin at gusto niya. Nakakatangkad din daw ito kaya naman isinasama ko sa mga pagkain niya.
Isa din kaya ito ang pinapakain ko dahil para makaiwas sa junk foods at mga candies.
Naghahanap pa ako ng mga ways para ma introduce ko naman sa kaniya ang iba pang gulay.
Gulay is life kaya habang bata pa matuto na dapat kumain nito to have a long and healthy life.
Late Breakfast
Late na ang aming breakfast ni baby girl dahil maulan dito sa amin, hindi ko alam kung bagyo. Dahil narin sa late na gising pansit canton at egg nalang ang nabili. Mamaya magluto ako ng lunch kahit kami lang ni baby girl ang Nandito sa bahay. Si partner kasi ay nasa foundation nila sa school nila.
Isang maulang umaga sa inyo mga kanoise. Positive lang and keep on smiling
Wednesday is Munggo Day
Kahit hindi Friday nagluto ako ng munggo bigla ko kasi na miss ang lasa ng munggo. Eto nga at Busog na Busog ako mga ka noise, masarap ang munggo kahit anung araw na feel mo.
Kayo din ba mga ka noise katulad ninyo ako na kahit hindi Friday basta naibigan magluto kahit anung araw ay mag luluto hehe. Kasi noong mga nakaraang araw ay manok at karne ng baboy ang naging ulam namin.
Isang makulimlim na araw mula dito sa aming probinsya mga ka noise diyan din ba sa inyo?
Bilo bilo at Banana Cue
For the first time merong nag ikot ng meryenda dito sa aming baryo ang tinda nila ay ginataang Bilo bilo, banana cue at camote cue. Bilo bilo at Banana Cue ang nabili namin ni baby girl habang nakapahinga kami sa duyan sa ilalim ng mga puno.
Medyo makulimlim ang kapaligiran animoy uulan ngunit bumagsak. Hindi ma alinsangan ngayon kumpara kahapon.
Fried Chicken
Ang bilis ng oras at panahon biruin ninyo hapunan na naman at patapos na naman ang araw. Ang bilis bilis. Tara kumain tayo mga ka noise ang aming ulam for tonight ay fried chicken request ng aking partner. Magpapa dami na naman ng kain ito
Isang magandang gabi sa lahat.
Turon po kayo diyan
Turon po kayo nga ka noisemates, meryenda po tayo. Madami kasing bigay samin ng saging na sana ng aming ka churchmate dapat ipang meryenda sa pag tanim sa bukid kaso mukhang matagal pa e malapit na siyang mahinog ng sobra kaya eto ng turon ako.
Kayo mga ka noisemates anung meryenda ninyo
Bunot for Exchange Gift
Kanina dinaos ang aming bunutan para sa aming exchange gift para sa Christmas Party. Lahat ay binunot ng aking anak dahil apat kaming dadalo sa December 18 gaganapin ang Christmas party namin.
Si pastor ang isa sa aming nabunot medyo mahirap regaluhan pero mabait naman yun at mapagkumbaba kaya okay din na siya ang aming nabunot. The rest simpleng mga tao lang din katulad namin.
Malapit na ang talaga ang pasko. Advance sa inyo mga ka noise.
Ice Drop
Pagkatapos kumain may narinig ang aking anak ng kumakalembang nag titinda Pala ng ice drop kaya no choice napabili ako para kay baby girl. Mahilig kasi sa mga naglalako sa labas ang anak ko, buti at merong Pera kahit konti hehe.
Napainit dito sakto din naman ang Pinipig ice drop na nabili namin malamig pero hindi gaanong matamis.
Kayo mga ka noise musta ang panahon diyan dito sobrang ma alinsangan.
Sinigang
Dahil nga sa kami ay merong mga sakit nagluto ako ng may sabaw para naman makabawi kami sa sakit at maasim ang aking niluto.
Ang aking niluto ay sinigang na baboy request ni partner madami naman siyang nakain.
Naway bukas maging maayos na ang aming pakiramdam.
Lagundi Leaves
Pinuntahan kami ng kapitbahay dahil nasabi ko na meron kaming sakit na pamilya, ako kahapon pa nag LBM, si baby girl nilagnat nag suka at dumi si partner naman ay nagdudumi at nilalagnat. Kaya noong nalaman ng aming kapitbahay kinuhanan niya kami ng Lagundi leaves para mag steam kami. Maganda daw ang effect ng kapag mag steam.
Hopefully gumaling na kami, siguro dahil sa panahon kaya kami ng ka ganito. Mainit sa umaga at naulan sa hapon.
Ginataang Bilo bilo
May natira akong ginataang Bilo bilo kahapon ng pumunta ako ng birthdayan kaya eto meryenda ko ngayong umaga. Naglaba kasi ako kanina dahil kahapon hindi makapag laba.
Tara mga ka noise mga momshies na katulad ko, alam ko ang dami nating gawain sa bahay kaya mag break muna at magpahinga. Maya Maya sabak na naman sa gawaing bahay.
Isang magandang umaga sa lahat
Kabukiran
Matagal din akong hindi nakapunta dito sa bukid naming minamanage dahil madaming Ginagawa araw araw sa bahay sa baryo. Nandun na kasi ang mga Pato at pabo kaya ako na ang nag aalaga at ang aking mga alagang gulay.
Kaya din sumama kami ni baby girl dito dahil maghapong walang kuryente sa baryo, schedule ng brownout dahil may mga inaayos.
Napasariwa ng hangin dito mga ka noise at hindi gaano mainit kaya naman masarap magpahinga.
Papaya
Madami pading bunga kahit na bagyo ang papaya ng aming ka churchmate. Kahit bumagyo nag bigay padin siya ng magandang bunga para sa pamilya nila nanay. Isang malaking blessing na maituturing at dahil mababait sila ay panay ang magagandang blessings na kanilang natatanggap.
Isang magandang araw ng martes mga ka noise.
Happy Birthday Nanay Violy
Ngayon ang ika 54 taong kaarawan ng aming nanay nanayan dito sa probinsya. Dalawang taon na naming nawiwitness ang kanyang kaarawan dito sa probinsya. Super blessed siya ni Lord. Malaki ang naging tulong samin ni nanay sa aming pamilya kaya para talagang nanay na namin siyang maituturing.
Naway bigyan pa siya ni Lord ng mahabang buhay at malusog na pangangatawan. Madami pa siyang matutulungan dahil sa kaniyang sipag at kabaitan. Sana madami pang blessings sa kanyang buhay. Maligayang Kaarawan nanay
Parol
Uso dito ngayon sa baryo ang gumawa ng parol na gawa sa mga recycled materials. Talagang hindi na mapipigilan ang pasko, palapit na ng palapit.
Kasama kami sa church ay gumawa din kami ng mga parol na Isasabit sa church, at hindi lang yun meron ding price sa Christmas Party ang pinakamagandang gawa. Magpapatalo ba ako diyan hehe kaya naman eto viola meron akong entry. Gawa sa bottle soft drinks ang aking munting parol, sana may ma receive na price.
Kayo mga ka noise uso din ba diyan ang mag recycle na parol?