Ngayon ang kaarawan ng aking Ina. Isang mensahe ang para sa kanya.
Walang regalo na maibibigay ko sa iyo na maihahambing sa ibinigay mo sa akin, ang regalo ng aking buhay. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal at pinahahalagahan kita aking ina, my Mommy.
Umaasa ako na sa iyong malaking araw ay maramdaman mo ang pagmamahal tulad ko. Maligayang Kaarawan Mommy.
Early Christmas Gift
Bakas sa mukha ng aking anak ang kasiyahan dahil nakatanggap siya ng isang Maagang regalo mula sa kanyang lola na nasa Oman. Eto ay package ng nanay ni partner, nauna na ang regalo sa pasko para sa kanyang unang apo.
Isang laruang na tindahan ang Padala niya na meron trolley na siya namang Ikinatuwa ng aking anak. Hindi nga umalis ng bahay dahil excited daw siya sa kanyang laruan. Madalas kasi naglalaro siya sa kapitbahay or sa bakuran namin.
Spaghetti for dinner
Nagpaluto nalang kami ni partner dito sa kapitbahay ng pansit kay partner at sakin itong spaghetti dahil napagod na naman ako dahil naglaba ako ng mga kobre kama, punda at kumot. Kapag pagod maganda yung order nalang ang pagkain para hindi na magluto.
Early dinner nadin para makapag Pahinga ng maaga. Isang magandang gabi sa lahat mga ka noise.
Daing na bangus
Tulad ng Daing na Bangus, dumadaing nadin ako sa mahal ng bilihin. Napakahirap sa tulad naming magsasaka every cropping lang nagkakapera. Kaya naman budget na budget kami sa lahat sa pagkain, personal na pangangailangan at iba pa. Pa mahal na ng pamahal lahat sana naman bumaba ang bilihin ngayong magpapasko.
Konting higpit pa ng sinturon at makakaraos din.
Breaktime muna
Breaktime muna sa mga gawaing bahay, hindi padin ako nakain ng almusal dahil madaming ginagawa kaya eto almusal at meryenda in one nadin ito.
24/7 talaga ang gawain ng nanay sa gawaing bahay, pag aalaga ng anak at partner, pag luluto na wala naman tayong sahod. Hindi puwedeng mapagod at mag reklamo kaya tuloy lang ang buhay. Ang tanging kaligayahan lang ay makita ng masaya ang anak at partner at masaya nadin sa feeling.
Ginisang Ampalaya
Gulay ulit ang aming ulam for dinner. Favorite namin ang ampalaya ni partner kaya kahit eto lang ang aming I ulam okay na sa amin.
Ng dinner naba ang lahat, huwag magpapalipas mga ka noise.
Isang magandang gabi sa ating lahat.
Thank you sa Pasalubong
Early Blessings ang binigay sa amin ng anak ng aming ka churchmate kakauwi galing sa ibang bansa. Nakakatuwa at naaalala niya kami.
Binigyan kami ng chocolates, salon at toothpaste.
Thank you sa kaniyang pasalubong at more blessings to come.
Mixed Vegetables with Tofu
Now lang kami kumain ng lunch dahil sa dami kong nila ham at saka late narin nakauwi ang aking partner galing sa kanyang schooling.
Nagluto ako ng mixed vegetables, repolyo, carrots, string beans, at sayote. Nilagyan ko ng tofu as sahog niya ayan meron na kaming masustansyang gulay.
Nakakain naba kayo lahat mga kanoise
Thursday Breakfast
Kain muna quick breakfast bago gumawa ng mga gawaing bahay. Schedule ko din ng laba ngayon sa mga damit ni baby girl.
Hay umaga palang pagod na ang katawang lupa ko hehe.. Ganito talaga ang isang nanay madaming gawain at hindi mauubusan ng trabaho sa bahay.
Isang magandang umaga mga ka noisemates
French fries
Ang aking anak hindi puwedeng walang kinakain kapag nanunuod ng TV, sasabihin niya sakin mommy gutom ako. Nakakahabag naman kapag hindi mo ipagluto o bigyan ng pagkain. Kaya naman kami kanina ni partner bumili ng fries, popcorn at namalengke para no more gutom na ang batang makulit hehe
Tara makikain din kasama si baby girl
Tahooooo
Now lang ulit ako nakakain ng Taho, madalang kasi ang may mag tinda dito ng Taho. Ang kaibahan ng Taho dito may condensed milk na nilalaga bukod sa arrival, medyo strange hehe.. Favorite din kasi ni baby girl ang Taho.
Kain tayo mga ka noisemates. Anung breakfast ninyo ngayon.
Stay the day with a smile and have positive vibes.
Adobo
I share ko po sa inyo mga ka noisemates ng aming ulam ni baby girl kaninang lunch. Hindi ko na post dahil almost 3hours walang Internet wala manlang pasabi na mawawalan. Ganun din ang kuryente wala ding pasabi kapag mawawalan.
Mahuli din mga ka noise ang panahon dito kaninang umaga ang Init pero ngayon naulan. Musta po kayong lahat mga ka noisemates
Powerbank at wireless earphone
Sa panahon ngayon ang daming bagay at nagiging makabago na ang teknolohiya. Paunlad na ng Paunlad ang mga tao. Kung dati walang cellphone ngayon ay pati ang mga assessories ay madami na tulad nalang nitong powerbank na kahit mawalan ng kuryente ay magagamit padin ang cellphone. Ang earphone nag evolve nadin naging wireless na.
Hindi na talaga mapipigilan ang pagbabago at pag advance na ang teknolohiya. Hindi na mapipigilan at lalong nagiging matalino ang tao
Cheese Bread
Ang layo ng pinang galingan ng aming meryenda ngayon dahil sa benguet pa gawa, parang nag punta narin ako sa benguet. May naglako na galing sa benguet medyo costly pero malambot at masarap siya.
Kain po at mag meryenda po tayo mga ka noisemates. Isang mainit na hapon
Talbos ng Kamote
Kahit Nandito kami sa probinsya ang mahal padin ng gulay, hindi ko alam kung bakit. Dapat repolyo ang sahog ko na gulay sa isisigang ko na Bangus e humingi nalang ako ng Talbos ng Kamote sa kapitbahay.
Hindi kasi ako makapag pa buhay ng Talbos dito kasi ang mga manok ay palaging nasa bakuran namin, buti nalang at mabait ang kapitbahay at nag bigay siya.
Munggo Day
Dahil Friday naisipan ko na mag munggo, sinahugan ko ng malunggay leaves, chicharon at bulaklak ng kalabasa. Kapag munggo ang ulam madaming nakakain kami ni partner. Saka need din madaming iluto dahil meron pa kaming dalawang kasama sa bukid.
Kayo mga ka noisemates anung naging ulam ninyo ng pananghalian.
Makulimlim din pala ang panahon dito tiyak babagsak na naman ang ulan.
Malunggay leaves
Isa sa sahog ng aking lulutuin ngayon ang malunggay leaves. Madaming benepisyo ang gulay na ito kaya naman madalas ko itong isahog sa aking mga niluluto. Ngayon ang aking recipe hehe ay ginisang munggo siempre with malunggay leaves para lalong masustansya.
Simpleng ulam pero tiyak namang masarap at hitik sa sustansya.
Mamaya ang aking finish dish ang ibibigay ko dito mga ka noise. Isang mainit na tanghali. God bless.
Suha /Pomelo/ Lukban
Madami man ang tawag sa prutas na ito masarap at masustansya naman. Dito sa probinsya ng Isabela Lukban ang tawag nila dito madaming puno nito dito saka manghihingi o bibigyan ka nalang ng kapitbahay dahil madami.
Sa amin sa bulacan kapag new year lang kami nakakakain nito dahil may kamahalan ang isang piraso. Dito sa Isabela nahuhulog lang sa puno.
Tanghalian na
Kakatapos ko lang maglaba hay napagod talaga ako, pero walang pagod pagod dahil need gumawa ng gawaing bahay para sa pamilya. Ganito siguro ang buhay ng isang Ina, 24/7 walang ganun Pahinga pero walang bayad hehe.
Tara kain muna tayo pinabili ko nalang si partner ng Lutong ulam kasi hindi na makakapagluto kasi napagod na hehe
Ang ulam palang binili ay pakbet ilokano at binagyo ganun.
Tinola
Medyo nasunog ko ang aking Lutong tinola kanina paano naman kasi ang daming gawaing bahay kahit gabi na. Buti nalang naremedyuhan ko padin kahit medyo lasang sunog. Next time focus ako sa pag luluto bago ibang bagay, mahirap na ang kumain ng sunog hehe he.
Musta naman ka noise ang buong araw ninyo I hope na naging maayos ang araw ninyo kasama ang inyong mga love ones at kapamilya. Isang magandang gabi.
Early Blessing
Maganda ang umaga kahit medyo naambon kahapon lang ay mainit ang panahon. Isa sa mga blessing sa umaga ay pagkakaroon ng mababait na kakilala na laging nandiyan. Pagkagising palang namin ay meron ng saging na sana. Salamat dahil palagi kaming naaalala ng aming ka churchmate at pangalawang magulang nadin dito na si nanay.
Tuwing nag Harvest sila ng saging o kahit anung meron sila binibigyan nila kami, kaya naman madaming Pagpapala ang sa kanila ay bumabalik.
Ginisang Upo
Buti nalang at palaging may Lutong bahay kasi para may nabibilhan kasi tulad ngayon kapag busy may nabibilhan no need ng magluto.
Ang dami kasing ginawa kaya hindi makapag Luto ng ulam. Kain tayo mga ka noisemates.
Dinner Time
Kamusta ang buong maghapon ninyo mga ka noise. Its Sunday and our Lord's day. Hope nakapag simba tayong lahat at magpasalamat sa na tapos na linggong nagdaan.
Kain tayo mga ka noise ng pork steak it's been awhile since nag ulam kami nito natakam ulit kasi sa karne hehe.
Daing
Our dinner for tonight mga ka noise, Daing na Bangus. Bumili kami ng ready to fry na kasi mahirap ang mag debone ng isda kaya ready na ang binili namin.
Tuwing gabi naulan dito mga ka noise, diyan ba sa mga Lugar ninyo. Tara kain tayo ng Dinner.
After the Storm
Pagkatapos ng bagyo nakakapanlumo, pati ang aming maisan ay hindi pinatawad ng ulan. Nagmistulang swimming pool ang aming maisan, ang laki ng nasayang na ginastos pero wala kaming magagawa kalamidad kasi. Walang makakapredict ng kalamidad kung kelan tatama at kung saan.
Ang ipinagpapasalamat nalang namin ay kami ay ligtas. Ganun talaga ang buhay minsan.
Nice weather
Maganda ang panahon ngayon, pagkatapos ng bagyo ay meron talaga sisikat ng magandang araw.
Pahinga din muna ako kasi naglilinis ako ng bakuran ngayon, matagal nadin hindi ko naglinis dahil basa pa ang lupa. Ngayon medyo okay okay na, gusto ko kasi na malinis ang paligid bukod sa maganda sa mata ay nakakarelax kapag malinis ang kapaligiran.
Cotton Candy
First time kumain ng aking baby girl ng Cotton Candy, hmm talaga namang ninanamnam pa niya. Ang tanong pa sakin ano ito mommy sabi ko cotton candy masarap ba? Sabi niya opo.
Ako din personally na miss ko ang cotton candy the last time na nakakain ako niyan ay noong nasa Elementary pa ata ako.
Kayo mga ka noise na miss din ninyo ba ang cotton candy.
Pansit for Dinner
Kapag pagod kami ni Hubby nag papa Luto nalang kami ng pansit, buti nalang at sa tapat lang ng bahay namin may pansitan. Masarap naman silang magluto at talagang nakakabusog ang kanilang pansit with sabaw pa.
Napagod ako sa paglalaba kaya naman pagod ang katawang lupa ko hehe he.. Kaya eto kain muna. Sana kumain nadin kayo ng Dinner mga ka noise.
Ginisang Kalabasa
Ang aming ulam ngayon ay ginisang Kalabasa with malunggay. Mas gusto itong ganitong ulam na gulay kesa sa karne, eto very light at healthy.
Eto pala ay bigay sakin ng aming mabait na kapitbahay, thank you sa kanya.
Kain tayo mga ka noisemates.
Kakanin
Nakagawian ng Pilipino na kapag ganitong Petsa bukod sa nagkakasama sama ang pamilya ay nagawa ng masasarap na pagkain at especially hindi mawawala ang mga kakainin, isa na dito ang biko.
Hindi ko ito ginawa ang mabait na kapitbahay namin ang nag bigay sakin, gumawa daw sila.
Salamat sa aming mabait na kapitbahay.
Kayo mga ka noise anung ginawa ninyong kakainin.