Kabanata III: Mga Alamat Ng Ilog Pasig

1 103
Avatar for Jo.hn-03
4 years ago

Tapos na ang mainit na pagtatalo nang batiin ni Padre Florentino ang mga nasa kubyerta. Masaya ang mga ito maliban sa mga prayle na nag-uusap tungkol sa pagtutol ng mga Indio sa mga pagbabayad sa binyag at buwis o taripa.

Sa ganang kay Pari Sibyla kung magkano ang kayang ibayad ng mga tao, iyon ang kanyang tinatanggap. Isa siyang pari na hindi hidhid sa salapi.

Habang nag-uusap ang mga pari ay dumating si Simoun. Sinabi ni Don Custodio na labis ang kanyang panghihinayang sapagkat hindi niya namalas ang mga magagandang tanawin na dinaanan ng barko.

Ang mga tanawing iyon ay pawang mga walang kuwenta

kung mga ipinasasariwang alamat, ani Simoun. Kung sa alamat, sabad naman ng kapitan ay mayaman ang ilog. Pasig kasabay ng pagkukuwento niya tungkol sa alamat ng Malapad Na Bato. Ang bato ay buhay at sinasamba ng mga tao bago pa man dumating ang mga Kastila.

Ang bato ay pinanahanan, diumano ng isang espiritu. Pero, nang mawala ang mga pamahiin ito ay ginawang kuta ng mga tulisan at hinaharang ang lahat ng mga bangkang nagyayaot sa ilog. May mga pagkakataon pang ang mga bangkang dumadaan na malapit sa bato ay basta na lamang tumataob. Ikinuwento naman ni Padre Florentino ang tungkol sa alamat ng yungib ni Donya Geronima.

Ang Donya ay tumandang dalaga dahil sa paghihintay niya sa matagal na panahon sa kanyang kasintahan. Hanggang sa lipasan ng kasariwaan ang Donya ay hindi dumating ang katipan. Nabalitaan na lamang niya ang dating katipan ay isa ng arsobispo kaya ipinagsadya niya sa Maynila.

Siya ay nagsuot lalaki at hiningi ang katuparan ng pangako. Pero, siya ay nabigo kaya nagpahanda ang arsobispo ng yungib na napapalamutihan ng mga baging. Sa kuweba na tumira ang Donya. Dahil sa kanyang katabaan patagilid siyang pumasok sa yungib.

Ang Donya ay sa loob na ng yungib namatay pagkatapos na siya mapabantog bilang isang engkantanda dahil sa ugali nitong pagtatapon ng mga kasangkapang pilak sa ilog.

Hindi nagpahuli sa kuwentuhan si Pari Salvi. Isinalaysay niya sa mga kaharap ang tungkol sa milagrong ginawa ni San Nicolas.

Ito ay tungkol sa istorya ng mga buwaya na ginawang bato ng santo. Papasok na sa lawa ang bapor nang tanungin ni Ben Zayb kung saang lugar ng lawa napatay ang isang nagngangalang Guevarra o Ibarra.

Walang alinlangan na itinuro ng kapitan ang lugar na pinangyarihan sa pagtugis kay Ibarra, na ayon sa kanya mayroon ng 13 taon ang nakakaraan. Idinagdag pa ng kapitan na ang lawa (Laguna de Bay) ay higit ang laki kahit anong lawa sa Suwisa at sa lahat ng mga lawang pinagsama-sama sa buong Espanya.

Kabanata - IV: Kabesang Tales

Si Kabesang Tales o Telesporo ay anak ni Tandang Selo, na siyang nag-anuga kay Basilio at gumawa ng walis. Matanda na si Tandang Selo kaya ang anak na si Tales ang nag-aasikaso sa pagsasaka.

Hinawan niya ang isang parte ng madawag na kagubatan na sa kanyan paniniwala ay walang nagmamay-ari. Kasama ang kanyang asawa at nagtiis sila ng hirap, subalit sa kanilang unang pag-aani inaangkin ng isang korporasyon ng mga pari.

Ayon sa mga pari ang lupang hinawan ni Tales ay kanilang sakop. Gayunman, ang lupa ay patuloy na masasaka niya kung siya magbabayad ng may 20 hanggang 30 piso taon-taon.

Palibhasa, ayaw ni Tales ng maraming usapan pumayag siya sa kondisyong ibinigay sa kanya ng korporasyon. Ngunit, napapansin niya habang tumataas ang kanyang produksyon o ani sa lupa, tinataasan din siya ng taripa. Aalma sana siya, ngunit sa una ay pinayuhan siya ni Tandang Selo na ipalagay niyang natalo siya sa sugal o nahulog sa dagat at kinain ng buwaya ang ani.

Sa ikalawang pagkakataon ay sinabihan naman siyang ipagpalagay niyang lumaki ang buwaya. Kaya, nagtiis na naman si Tales.

Binalak ng mag-amang Tandang Selo at Tales na papag-aralin si Juliana o si Huli. Pero, ito ay hindi natupad sapagkat ginawa siyang "Cabesa de Barangay" ng kanyang mga kanayon dahil sapag-unlad ng kanyang pamumuhay.

Upang maiwasan niya ang pakikipag-alitan sa mga pari ay binabayaran niya ang buwis ng mga nakatalang pangalan na ang iba ay lumipat na ng tirahan at namatay na.

Talagang gustong papag-aralin ni Tales ang anak na si Huli panay ang pangako nitong sa susunod na taon ay makakapunta na sa Maynila.

Pero, habang tumatagal daig pa ng mga buwitre ang pari sa paglaklak sa laman ng tao. Ang sinisingil nila kay Tales ay umabot na ng P200.00 na lubhang napakabigat na sa kanya.

At kung hindi makapagbabayad pa sa ganitong halaga ang kabesa ay iba ng tao ang magsasaka sa lupang kanyang sinasaka. lisa ang desisyong nabuo sa kanyang isip, ipaglalaban niya sa hukuman ang kanyang kaso. Gumawa siya ng lahat ng paraan at inubos ang kahuli-hulihang sentimo sa pagtatanggol sa kaso.

Pero natalo siya sapagkat ang hukom sa lalawigan ay hindi pumanig sa kanya dahil nangangamba itong masibak sa tungkulin. Naging desperado si Tales, kapag nagpupunta ito sa bukid siya ay nagdadala ng baril. Ang kanya namang anak na si Tano ay pinabayaan niyang maging suridalo.

Sa pagdadala niya ng baril, kinabahan ang mga prayle sapagkat namimiligro ang kanilang buhay. Nasamsam ang baril ni Tales sapagkat nagpalabas ang kapitan-heneral na bawal ang pagdadala ng sandata.

Ang sumunod niyang dalhin ay ang gulok ni Tandang Selo. Pero, ito ay nasamsam din kaya palakol naman ang laging dinadala dala. Minamalas yata si Tales sapagkat siya ay binihag ng mga tulisan at pinatutubos ng may P500.00.

Ang ginawa ni Huli ay ipinagbili ang kanyang alahas maliban sa agnos na bigay sa kanya si Basilio sa halagang P300. Kulang ng P200. Kaya pumasok siyang alila kay Hermana Penchang. Nang mabatid ni Tandang Selo ang nangyari, siya ay nag-iiyak na parang bata, hindi kumain at natulog ng gabing iyon, Inisippaniyang magbigti o magpakamatay sa gutom. Malungkot silang maglolo sapagkat kinabukasan ay pasko na at si Huli ay magsisimula ng magpapaalila.

1
$ 0.23
$ 0.23 from @TheRandomRewarder
Avatar for Jo.hn-03
4 years ago

Comments

Tapos na ang mainit na pagtatalo nang batiin ni Padre Florentino ang mga nasa kubyerta. Masaya ang mga ito maliban sa mga prayle na nag-uusap tungkol sa pagtutol ng mga Indio sa mga pagbabayad sa binyag at buwis o taripa.

Sa ganang kay Pari Sibyla kung magkano ang kayang ibayad ng mga tao, iyon ang kanyang tinatanggap. Isa siyang pari na hindi hidhid sa salapi.

Habang nag-uusap ang mga pari ay dumating si Simoun. Sinabi ni Don Custodio na labis ang kanyang panghihinayang sapagkat hindi niya namalas ang mga magagandang tanawin na dinaanan ng barko.

Ang mga tanawing iyon ay pawang mga walang kuwenta

kung mga ipinasasariwang alamat, ani Simoun. Kung sa alamat, sabad naman ng kapitan ay mayaman ang ilog. Pasig kasabay ng pagkukuwento niya tungkol sa alamat ng Malapad Na Bato. Ang bato ay buhay at sinasamba ng mga tao bago pa man dumating ang mga Kastila.

Ang bato ay pinanahanan, diumano ng isang espiritu. Pero, nang mawala ang mga pamahiin ito ay ginawang kuta ng mga tulisan at hinaharang ang lahat ng mga bangkang nagyayaot sa ilog. May mga pagkakataon pang ang mga bangkang dumadaan na malapit sa bato ay basta na lamang tumataob. Ikinuwento naman ni Padre Florentino ang tungkol sa alamat ng yungib ni Donya Geronima.

Ang Donya ay tumandang dalaga dahil sa paghihintay niya sa matagal na panahon sa kanyang kasintahan. Hanggang sa lipasan ng kasariwaan ang Donya ay hindi dumating ang katipan. Nabalitaan na lamang niya ang dating katipan ay isa ng arsobispo kaya ipinagsadya niya sa Maynila.

Siya ay nagsuot lalaki at hiningi ang katuparan ng pangako. Pero, siya ay nabigo kaya nagpahanda ang arsobispo ng yungib na napapalamutihan ng mga baging. Sa kuweba na tumira ang Donya. Dahil sa kanyang katabaan patagilid siyang pumasok sa yungib.

Ang Donya ay sa loob na ng yungib namatay pagkatapos na siya mapabantog bilang isang engkantanda dahil sa ugali nitong pagtatapon ng mga kasangkapang pilak sa ilog.

Hindi nagpahuli sa kuwentuhan si Pari Salvi. Isinalaysay niya sa mga kaharap ang tungkol sa milagrong ginawa ni San Nicolas.

Ito ay tungkol sa istorya ng mga buwaya na ginawang bato ng santo. Papasok na sa lawa ang bapor nang tanungin ni Ben Zayb kung saang lugar ng lawa napatay ang isang nagngangalang Guevarra o Ibarra.

Walang alinlangan na itinuro ng kapitan ang lugar na pinangyarihan sa pagtugis kay Ibarra, na ayon sa kanya mayroon ng 13 taon ang nakakaraan. Idinagdag pa ng kapitan na ang lawa (Laguna de Bay) ay higit ang laki kahit anong lawa sa Suwisa at sa lahat ng mga lawang pinagsama-sama sa buong Espanya.

Kabanata - IV: Kabesang Tales

Si Kabesang Tales o Telesporo ay anak ni Tandang Selo, na siyang nag-anuga kay Basilio at gumawa ng walis. Matanda na si Tandang Selo kaya ang anak na si Tales ang nag-aasikaso sa pagsasaka.

Hinawan niya ang isang parte ng madawag na kagubatan na sa kanyan paniniwala ay walang nagmamay-ari. Kasama ang kanyang asawa at nagtiis sila ng hirap, subalit sa kanilang unang pag-aani inaangkin ng isang korporasyon ng mga pari.

Ayon sa mga pari ang lupang hinawan ni Tales ay kanilang sakop. Gayunman, ang lupa ay patuloy na masasaka niya kung siya magbabayad ng may 20 hanggang 30 piso taon-taon.

Palibhasa, ayaw ni Tales ng maraming usapan pumayag siya sa kondisyong ibinigay sa kanya ng korporasyon. Ngunit, napapansin niya habang tumataas ang kanyang produksyon o ani sa lupa, tinataasan din siya ng taripa. Aalma sana siya, ngunit sa una ay pinayuhan siya ni Tandang Selo na ipalagay niyang natalo siya sa sugal o nahulog sa dagat at kinain ng buwaya ang ani.

Sa ikalawang pagkakataon ay sinabihan naman siyang ipagpalagay niyang lumaki ang buwaya. Kaya, nagtiis na naman si Tales.

Binalak ng mag-amang Tandang Selo at Tales na papag-aralin si Juliana o si Huli. Pero, ito ay hindi natupad sapagkat ginawa siyang "Cabesa de Barangay" ng kanyang mga kanayon dahil sapag-unlad ng kanyang pamumuhay.

Upang maiwasan niya ang pakikipag-alitan sa mga pari ay binabayaran niya ang buwis ng mga nakatalang pangalan na

$ 0.00
3 years ago