Namiss kaagad nila ang spaghetti! Haay tunay, dahil hindi daw kami nag luto nung Christmas eve, ito ang nirequest ng aking big three. Kasi nirekumenda din ni mister. Kaya naman walang choice hehe. Meron namang ingredients, kaya iluto na lang hehe. May tira pa din kaming inihaw na bangus at nag ihaw na din sila ng hotdog nung ininit ang isda. Tara na po at kumain, mamaya ay workmode nanaman ako kaya kailangan na kumain habang maaga. Narinig kong may bumahing sa aking tatlo, at ramdam kong may sisipunin sa kanilang tatlo at baka kinabukasan eh baka lahat na sila. Ganyan ang nangyayari since magkakapatid sila at mag kakasama sa iisang bahay. Pero ang nakakatuwa kahit may nararamdaman sila minsan hehe hindi pa rin nawawala ang kakulitan. At ang gana sa pagkain, kaya tara na po, sabay sabay na tayo kumain.
2 comments
Sis kakatapos ko lang kumain pero nagutom ako sa dinner nyo. Pwede bang makikain ng spag! Hehe
Tinatanong paba yan sis siyempre naman sureness!!! Hehe nakakaloka din mag sipag request itong mag aama ko eh. Haha pero di na lang ako nag react para happy sila hehe. Grabe habang nakasalang ang niluluto ko nakasalang din ang labahin ko haha..