Dumadami na ang suki ni Aling maliit. Talaga namang nahihilig na silang mag aama sa mga alaga nilang kalapati. Noon yung tatlo ko takot pero di rin nagtagal eh kaya na nilang hulihin sa kamay nila yung mga kalapati. Kakatapos lang din ng aking early work kaya eto almusql mode na po tayo. Nag salang na ako kanina ng saba kaya enjoy na ang mga kids kumain. Kayo po nag almusal naba noisefamily?
4 comments
Dami ng alaga mo bebe Ela ahh! Sipag ng bebe magpakain ng pigeons. Kain na sis. Mga kids din halos kakatapos lang kumain.
Oo nga sis eh, ako medyo takot ako diyan baka mapalo ako ng pakpak at matuka haha
Dati madami din alaga si tatay ko na ganyan kaya di naman ako takot. Nag alaga din si tatay ko ng mga panabong pero di sya nagsasabong ahh. Pambenta nya noon. Yun nakakatakot aba e dadaan lang ako e sasabungin ako. Nagkasugat sugat ako at tinuka paa ko. Haha
Oo sis may ganun nga nanunuka. Eto namang kalapati yung pakpak ang sakit kapag napalo haha o takot lang talaga ako, pag naiba kasi ang pwesto at hindi sila komportable aalis sila sa kamay eh