Whew! Laundry done! I can have my lunch now! Guess who cooked our lunch, while I am doing the laundry. Hubby is in charge of cooking today's lunch (haha) Wala siyang choice eh. He really wanted to help me do the laundry but I asked him to cook instead. Sinigang na bangus! Ito ang kanyang menu for today gusto daw kasi niya ng isda na may sabaw. Kaya naman pinagbigyan niya ang sarili niyang request hehe. Buti na lang may bangus pa ako dito. Pang daing sana buti pala at hindi ko nilahat na ibabad. Kain po muna tayo momsh, sino dito ang kasabay kong kakain palang? Hehe kasi tinapos ko muna ang labahin baka biglang magtampo si Sunshine hihi
9 comments
wah yan ang lulutuin ko mamaya, sis. sarap ng sabaw
Waaahh.. Buti ka pa sis tapos na. Ako napending at eto nagpapatulog pa nga. Kain ka na at marami ka ng gutom nyan. Eat well
Salamat sis eto kakatapos lang at nagpapatulog din kay Ela super antok na😅 haay natambakan ako sis kaya ang daming pagod super hehe buti na lang si mister ang nag luto hehe
Buti at rest day ni mister mo sis. Eto magstart na ulit ako sa labahin kahit gising pa ang isa. Pero sana nga e matulog ito at ilang days ng di natulog ng hapon.
Naku itong akin sis, kahapon nag please nanaman kasi nga day off ni papa nila.. ngayon second day. Kaya alam na, sabi pa nung lalaki ko, ma sige na ma para ma enjoy naman namin si papa. Haha ang tawa ko
Alam na alam na sis ahh.. Kapag ganyan abswelto na. Kaya din naextend din mga bata kasi nung off din ni Papa nila di ko na din pinatulog. 1 day off nga lang di pa masusulit e. 😁
Kaya nga sis eh diba hehe may palusot sila ngayon haha. Nasa labas at naku sa bandang ibaba talaga namang ang dami na kasing dahon nakikigulo din sila doon ako naman dito muna sa loob habang nag iingay inaantay ko mahimbing si Ela para mailapag ko na😅
Sleep na bebe Ela para makapagrest si Mama. Finally tulog na talaga sila. Hehe. Mamaya na ko iisip ng meryenda. Eto nagkakape muna ako sis habang waiting pa mapuno tubig, medyo mahina tubig ngayon.
dito naman sa amin malakas sis pero ayun nga limitado lang kasi ang ipunan ko. Hehe Mamaya maya na siguro ako magkakape at hindi din makapagtimpla😅