Hubby's home early Biglang dumating si mister kanina, nagulat ako kasi alauna palang yun. Nilalagnat na din pala siya at pinauwi na siya. Natagalan pa nga daw siya maka alis kasi ni isa sa mga ka workmate niya eh walang sumasagot para mag relieve. Ang ginawa na lang nila nag borrow from other department kasi hindi talaga pwede mag duty ng may sakit lalo na sa panahon ngayon. Nakakalungkot na walang sumasagot sa mga kasama niya during emergency na ganito. I hope na sana naman magka roon sila ng concern sa mga kasama nila sa work lalo na din sa operation ng trabaho nila kasi malaking factor yun para maging smooth ang daloy eh. Ito namang mga gamot, bumili na siya ng iba pa, dinagdagan na niya yung mga tira ko, para may pang tuloy tuloy siya kahit nandito sa bahay. Magandang hapon
4 comments
naku sana gumaling agad mr. mo. ako rin may trangkaso at sore throat. buti nalng negative sa pcr test
May mga ganun talaga sa ka workmates sis, yun lang nakakalungkot dun. Get well soon to your hubby.
ang hirap pag lahat sa bahay may sakit. sorry to hear that, sis
True sis pero laban lang tayo sis. Sa ngayon si biyenan ko na umuwi dito nito nito lang at si hubby ang nilalagnat sa amin kaya di sila makalapit sabmga bata. Hindi na kasi nilalagnat yung mga anak ko pati ako, sana din mamayang gabi hindi na ako lagnatin ulit