read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Lunchiees! Let's eat lunch noisefamily! We have here Sautéed bitter gourd with beaten eggs and few pieces of fried chicken. Yes naman! Kahit sino naman gustong gusto talaga ang chicken na pinirito. Kagabi kasi ganito din ang ulam namin. Pero dahil magbabaon ang isa ko para na din hindi madaling masira ito na lang daw ulit. Hindi na siya magbabaon pa ng gulay kasi baka masira lang kaya kakainin niya na lang dito ngayong lunch. Isa sa malakas makatipid sa budget ni mister ay itong pagbabaon kasi nga naman mahal kapag sa canteen or sa fastfood. Kaya hanggat kaya at hanggat maaari nagbabaon talaga siya. Minsan kahit delata lang ang baon niya walang problema. Kaysa bibili daw siya ng mahal eh pagkain pa rin naman yun. Pero madalang naman at masama din naman ang madalas na delata. Kaya madalang lang mangyari iyon kapag totally hindi makapag luto o dahil sa wala ng stock na lulutuin ahaha. Relate ang mga momshies ko dito na nakaka experience ng mga ganito hindi ba? Salamat sa pagbabasa. Magandang tanghali. Tara na kain na!

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.