"Huli pero di kulong" Sis @ElyzzBerttErynn hehe hiniram ko muna ang linya mong ito at aba, nalingat lang ako sandali kanina at kumuha ako ng inumin ni Ela. Biglang naglaho pabalik ko at nasa kwarto na pala. Ayan ang isa sa mga gawain niya talaga ang buksan ang mga drawer at ilabas ang mga damit nilang magkakapatid. Nagsisimula palang siya diyan haha kaya ilang piraso palang ang mga nasa sahig. Lols. Linya talaga natin itong mga magulang madalas kasi nga talaga namang huling huli na sa akto diba pero hindi kulong. Hehe Maya maya magpaparamdam na itong si bebe Ela ko at makakatulog na kasi kanina pa mga 30 minutes na nung dumating si hubby. Hehe bihisan time na muna.
2 comments
Huli ang bebe Ela namin! Magaling ang mommy nakita agad. Kung hindi mag uulit ng tupiin. Haha! Good morning sa inyo dyan. 😘
Sorry na sissy, grabe ang haba ng binabalikan kong notifs at nasobrahan sa ka busyhan ang lola hehe. Ang kulit nga ni Ela grabe lahat curious sa nakikita.