Sinigang na bangus for breakfast! Dahil walang talbos ng kamote or kangkong, sitaw at okra na lang ang inihalo ko dito sa sinigang na bangus. Ang sarap niya at malinamnam yung bangus kasi malaki at mataba. Madalas marami ang nakakain ng mga anak ko kapag sinigang ang ulam, mapa manok, isda pati yung delata na makerel gustong gusto din nila yun. Magandang umaga po noisefamily! Tara na kain na at kape na
4 comments
Panalo lagi ang sinigang kahit ano pa yan haha. Kami rin sis nakakagana kasi ang may sabaw ganun naman kami sinanay laging may sabaw sa pagkain namin
Your breakfast is healthy.. There are many differences between the food of your country and the food of our country. I am getting to know about new food items through your post
Iba talaga magic ng sinigamg..kahit samen, all time fave talaga to
True sis. Walang mintis pag sinigang ang ulam ano, ang daming nakakain hehe. Mapabata or tayong mga parents hehe