read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Playtime before bedtime Kanina bago makatulog ang mga chikitings may kanya kanya munang ganap sa higaan. May nag haharutan, may kumakanta at itong si aling maliit, ito naman ang trip niyang laruin kanina. Ayan at dinikit na sa kulambo haha akala niya siguro dingding lang din ito. Mahilig din ba kayong mag kulambo noisefamily? Kami pag ganitong nag uulan na talagang nag kukulambo na kami, kasi lumalabas na yung mga lamok. Mas malamok siya compare sa tag init. Kasi kaya ng electric fan yun kapag mainit eh, pero kapag maulan ganito kami naka kulambo. Dati ang gamit namin yung parang tent na mosquito net. Dalawa kasi di kami kasya sa isa lang hehe. Ayun nasira kasi nilaro ni Smigol at ni Kira, nabutas butas siya sa bandang ibaba, malaki talaga kasi makaka daan na ang bata haha. Kaya balik muna ako sa ganito na di tali hehe. Pareho din namang kulambo, at wala pang budget para sa bago hehe.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.