"It's ba prank, ma"! Akala ko inaantok na ang aking mga chikiting kasi humiga na sa kwarto after magpahinga. Naprank pala ako, haha naku nagpahinga lang sila kaunti at ito energetic pa din sila, at nakaisip na kumain ng prutas. Naunang pinili ay mansanas pero nauwi sa dalandan ang napili. Sabi ko nga kaunti lang tig iisa lang sila at gabi. Nabili ko ito kanina, tamang tama kasi ito lalo na may sipon sila, kasi sobrang lamig dito sa gabi kagaya ngayon,hanggang mamayang madaling araw tapos sobrang init naman sa tanghali. Kaya talagang kahit ako para na akong sisipunin. Kamusta pala ang inyong araw? Sana ay naging productive ang araw ninyo noisefamily. Good evening again!
5 comments
Naprank ka sis ahh! Haha! Nagrecharge lang pala sandali. Etong sakin nagtatalunan pa. Awat awa ko nga e baka magkatulakan. Kakukulet e! Very good na naman sila at fruit ang snack 🤤
Oo sis, haha akala ko talaga eh tuloy tuloy na pero imbes na sabihin kong very good, aba paglabas ko ng sala pag mag check ng work, haha nakasunod din silang tatlo. Talaga nga naman. Oo nga sis, ito naman ang napagtripan na kainin. Hehe. Sasamahan nila ako niyan mag wait sa papa nila.
Okay lang sis. Medyo pagoda kasi madami ginawa. pero okay lang. Ganun naman kasj tlaga. Pero thankfull pa din ako sis kasi productive naman ang araw ko. Sana okay lang din araw mo sis.
Yes sis, okay lang din ang araw ko sis, super busy at super productive ngayon sis. Tama ka diyan sis, worth it lahat talaga ang pagod at puyat natin..
Kaya nga sis. Kahit pagod okay n din kasi nakikita naman din natin na may nagawa tayo sa araw na ito.