Momshies! How's your afternoon going? Me and my kids are having a great time now. I enjoy watching Ela eat her mini cookie, while my big three finished their snack already, they are playing now. They've done few pages of their modules so I let them play for now. Eat your snack too noisefamily. Ela's face is so funny, her ate/big sis made her face like that. They are playing Lol.
12 comments
Galit ka, bhe?
Kaloka sis diba dami ng alam ng bebe na to eh. Haha
Uy happy ang family bonding nyo sis! Ako wala pa naisip na meryenda. Inaantok ako, mga bata tulog pa. Hello baby Ela and kids! 😘
Hehe oo sis, nag lesson sila kanina at naku nakiusap sa akin na wag muna matulog, mag aaral daw sila. Kaya nung natapos pinayagan ko muna magkalat, este maglaro pala.. hehe.. yung bahay namin parang playground kapag nag lalaro sila. Hehe Ganyan na ganyan itsura talaga haha sa post ko. Hinahayaan ko naman sila kasi minsan lang sila bata eh, pag lumaki na hindi na sila mag gaganyan hehe
Kaya nga e.. dapat naman talaga ganyan sis kaya lang minsan ako nai-stress sa kalat, kasi syempre di naman aming bahay eto. Sa kapatid eto ni mister, pinastay muna kami habang waiting pa sa turn over ng house namin. Nahihiya ba ako at gusto ko lagi maintain yung bahay kaya lang sa edad ng mga anak ko imposible kaya minsan nangangarag ako, pulot sa kalat, walis, mopped ng sahig... Kuskos dito at kuskos doon.. hehe
Oo sis relate ako diyan. Alam mo sis care taker lang kami dito sa tinitirhan namin ngayon kasi nag iipon palang kami ng pambili ng lupa. Kaya naku talagang kailangan ko imaintain yung linis ng bakuran tapos sa bahay din. Kaya lang yung dingding talaga nito may sirang kaunti na paglipat namin kasi napabayaan daw ito nung huling tumira. May awa ang Diyos sis makakaraos din tayo hehe.. iba kasi ang kilos kapag yung sarili mo talaga sis. Nung kasagsagan na sunod sunod sila maliliit pa sila 2 yrs and 1yr mahigit ang agwat nila eh ganyan din ako, kailangan bago sila magising tapos na ako sa gawain sa kusina pati sa labas hehe. Para pag gising nila sa loob na ako.
Parehas pa pala tayo sis. Iba kasi nga kapag may sarili kaya eto aligaga masyado kapag di pa nakalinis. Buti maaga ako nagising at nakalinis din agad. Medyo umalwan naman na din ako kasi unti unti ng nagstop magbreastfeed sakin si bunso ko. Di ko sya maawat ng maaga kaya inabot na ngayonh 3yo na sya. Medyo alagain sya laging nakabuntot parin sakin e pero kahit paano unti unti ng natututo maglaro mag isa or sa mga kapatid nya.
Oo sis, ganun nga talaga sila kapag ganyang edad. Hehe minsan nakikipaglaro na din siya sa ate at kuya niya? Itong panganay ko minsan pag wala na siyang module tapos wala siyang magawa sabihin niya ilagay ko si Ela sa kwarto lalaruin niya, nakakatuwa kasi si Ela nag sisimula na din makipaglaro kahit konting oras gustong gusto niya kila ate niya. Pag nakaalala mama na ulit ng mama si Ela hehe. Nakakatuwa nga kaya naku sis konting panahon pa tignan mo sis mamimiss mo yung dating kulit at likot nila. Ganun nga ako nung lumaki na sila nung wala pa si Ela, kasi malalaki na hindi ko na din makarga hehe.. iba na yung lambing nila sa yo kapag malaki na eh.. buti nabiyayaan kami ng isang Ela.. 😊
Unti unti ko na naeexperience yan sis dito sa 2 ko.. Nakakamiss nga na may maliit kaya natutuwa ako sa picture ni Ela saka ng ibang momsh dito. Cute cute kaya! Yun lang last na talaga etong sakin at cs ako sa 3 na yan.
Salamat sis. Sobrang swerte namin kay Ela. Si Ela halos nagkaproblema ako nung pinag bubuntis ko siya. Twice ako nasugod sa hospital, may pandemic na non, tapos si Ela non june na sobrang liit niya pa daw 26cm lang kaya natakot ako july 29 ko siya pinanganak eh, gulay lang ako non tapos tadtad ng vitamins hehe. Nung pinanganak ko siya 42cm hehe ang bilis niya lumaki. Kaya talagang pinatnubayan ako ni God. tatlo lang pala talaga sila sis. Sabagay sis may lalaki ka na din.. grabe sis ano alam mo yung panahon na dalaga pa tayo super nahihiya yung hindi alam ang mga ginagawa minsan pero ngayon na nanay na tayo talaga namang praktikal, wais at madiskarte hehe
Ay sobrang laking blessing sa inyo ni bunso mo sis! Syempre lahat naman sila pero since ang laki din ng gap nya sa mga kapatid nya super nakakatuwa na may maliit sa bahay. Nakakawala ng pagod yung mga baby, lakas makagoodvibes sa araw araw. Ibang iba kapag nanay na, kahit pagpapabreastfeed in public nga nagawa ko na pero syempre kinocover naman. Haha
Oo sis same tayo.. naka cover pero alam mo yung pag naiisip ko nga na nagawa ko yun nako wala ng pake ang mahalaga hindi magutom ang baby hehe.. Nakakaloka maging nanay pero napaka sarap sa pakiramdam talaga. Ito yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko yung naging nanay ako. Alam ko lahat ng nanay ganon hehe. Iba kasi sis eh..