Pilipinong pilipino ang ulam na to! Hehe nagluto po ako ng sarciadong gg or galunggong pero kasi mas matimbang sa akin ang tuyo at nilagang talbos ng kamote hehe. Gusto ko lalo na yung half cook lang yung talbos yung medyo malutong lutong pa. Kaya naman talagang hihi hindi ko ito matatanggihan. Kayo po nag hapunan naba, nalate na ang aking dinner kasi may work pa at ayun nga nabusy din sa pag lilinis kanina. Tara na po kain tayo at pag titimpla ko kayo ng kape. Hehe
8 comments
wow the best yan, sis!
Naku the best yan
Naalala ko tuloy si mader ko. Kapag talbos nilalagyan nya ng kamatis saka kalamansi para may asim factor. Sarap! Kain madami sjs, enjoy! 😘
Salamat sissy hehe. Nakapag sawsaw na ako sa bagoong na may kalamansi at sa kamatis at bagoong din sis pero yung kamatis at kalamansi hindi ko pa na try sis. Hehe Medyo ini imagine ko sis yung lasa. Hehe
Di sya sawsawan sis. Hehe.. Nilaga sya na nilagyan ng kamatis at kalamansi sis.
Ay haha mali pala yung intindi ko sis haha. Hala hindi ko pa din yun na try sis. Ang na try ko palang lagyan siya ng bawang.m at kaunting asin hehe
Si mader ko mahilig sa mga dahon dahon na gulay tapos nilalaga. Minsan din bawang at asin lang nilalagay nya. Ang di ko lang talaga keri e saluyot saka alugbati.
Ah sis same tayo sa alugbati. Never pa ako nakatikim hehe. Yung saluyot naman ayun gustong gusto namin ng family ko. Lalo na sa diningding. Pero yung alugbati talaga hindi pa tsaka ayun nga noong bata pa ako sabi nila kasi di daw yun kinakain kaya nitong malaki na ako haha, natawa ako sa "malaki na ako" haha literal malaki na talaga ako, wahaha eh dun ko lang nalaman na kinakain siya hehe