Magandang araw ng huwebes mga kaingay. Maganda ang sikat ni haring araw, manatili sanang maganda ang panahon hanggang hapon at aalis kami mamaya para mamili ng mga gamit ng dalawa namin mag aaral, pasukan na sa Lunes kaya kailangan ng makapamili, mamaya kami susundiin ng tiyuhin ni bubby 11 am, malayo layo kasi kami sa bayan kaya mabuting may sundo lalo at may kasama akong mga batang makukulet dun muna sila sa Lola nila pag ako namili ng gamit makipag bonding sila sa mga pinsan nila sa mga in law ko.. Ang ganda ng bulaklak ng gumamela naka dungaw na sa may bentana ng kwarto, paggising ko yan lagi una kong nakikita tuwing sisilip sa bentana, nakaka good vibes lang kaya share ko dito sa post ko. Magandang umaga!! Ingat lagi.!!
10 comments
Rush hour na nga para mamili ng gamit pero sa napansin ko mas pinipili lang ngayon yung importante na gamit gaya ng notevook at pads. Yung mga new shoes at bag ay pede naman sa susunod nalang bilhin kung tight ang budget.
Tama ko po. Notebook, pads at uniform nga ang bibilhin ko, may bag at shoes pa naman mga bata.
Magangdang umaga sa iyo kaingay muulan ba jan? Edit. Namali ako ng comment. Sorry. 🤣🤣🤣
Good morning,friend! Kasing ganda ng flower na iyan ang friday morning ngayon.
Ang ganda naman ng bulaklak na yan sis nakaka good vibes tingnan sa umaga. Maganda ng maaga makapamili sis baka sa sunod na araw-siksikan na kasi ang mga nag titinda niyan mag bababa na ng kaunting presyo ang mamahal na talga ng gamit hehe. Goos morning sis.
Sana nga hanggang hapon ganyan kaganda panahon sis.Ingat ka sis sa pamimili mo mabuti at may sundo ka.Mabilis ka niyan makakauwi.Lakas maka good vibes nga ng bulaklak sa umaga.
Hindi kami natuloy sis kakaloka bukas na lang daw kami sunduin sayang ang ganda pa naman ng panahon ngayon di gaanong mainit.
May bukas pa naman tsaka lunes pa naman pasukan.Init naman samin hindi na umulan di kagaya kahapon.
may ganyan din ako na klase nang gumamela sissy kaya lang paglipas nang ilang araw nalalanta agad siya unlike sa ordinary na gumamela na ating nakasanayan sa amin naman makulimlim sissy
Ingat sa pàg alis sis,sana huwag uulan para walang abala.ganda ng kulay ng gumamela mo pulang pula