Love story begins in Wi-fi password

0 21
Avatar for Jhaiy11
2 years ago

Wi-Fi is a wireless networking technology that allows computers and other devices to communicate over a wireless signal.

Hi, pwede bang magkiconnect?

Pwede ko bang malaman ang wi-fi password niyo?

Wi-Fi password is the password that allows devices to connect to the wireless network created by the router. This is either the router's default Wi-Fi password or a password that you assigned to the router when you set it up.

Noong ay may isang bagong tayong Printing Press sa lugar ng Nueva Ecija. Nabili ng may-ari ng printing press ang lupang iyon at doon itinayo nila ang kanilang Printing Press at dito na din sila nagtayo ng kanilang bahay para nasusubaybayan nila ang kanilang negosyo. That time kulang din sila sa operators ng mga machines nila kaya naghire sila ng mga bagong empleyado.

Lima lang silang nakatira sa kanilang tahanan. Silang mag asawa, kanilang dalawang anak na mga bata pa at ang kanilang kasambahay na si Mary. Pinabasbasan nila ang kanilang bagong bahay at ang negosyo nila bago ito magsimulang mag operate.

The same day, may dumating na isang aplikante, siya ay mula pa sa Maynila. Ang pangalan niya ay Jayson Alcantara, Isa siyang mahusay na machine operator sa printing press sa Maynila pero dahil sa hindi magandang pamamalakad ng kanyang boss doon ay nagresign siya at dito sa Nueva Ecija siya nakipagsapalaran. Di kalaunan at natanggap siya sa printing press. Dahil siya ay taga Maynila, nagdesisyon ang may-ari ng printing press na doon na lang siya tumira sa madaling sabi stay-in siya doon. Mabait si Jayson, magaling makisama at may katangian siya ayaw na ayaw ng mga babae, at ito ay ang pagiging bolero at babaero niya.

Nagdaan ang ilang araw at naging komportable na si Jayson sa kanyang mga boss at pati na din kay Mary na kasambahay ng kanyang boss. Araw ng linggo noon at rest day ni Jayson, syempre walang ginagawa kundi mag cellphone lang kaya naman naisipan niyang hingin sana sa kanyang boss ang password ng Wi-Fi nila. Nang papasok na sana siya sa bahay ng boss niya, nagkataon namang palabas si Mary at sabi niya "tulog sila boss, ano ang kailangan mo?", wika ni Mary. At imbis na sa boss niya kukunin ang password ay naisipan niyang kay Mary na lang. "Pwede bang makiconnect? Ano ang Wi-Fi password niyo dito?, wika ni Jayson. San mo gustong komonek?, pabiro naman ni Mary.

At dito na nga nagsimula ang lahat. Ibinigay ni Mary ang password ng Wi-Fi nila. Nung una ay hindi talaga sila nag uusap ni Jayson pero habang tumatagal nagiging malapit na sila sa isa't isa dahil nga si Mary ang nagbibigay kay Jayson ng pagkain niya. Dahil nga stay-in si Jayson kaya naman libre ang pagkain niya. Hanggang sa sabay na silang dalawang kumain sa kusina. Nakakapagkwentuhan silang dalawa, naging friends na din sila sa Facebook at nagkakachat sila tuwing gabi. At habang tumatagal ay nagiging kampante na sila sa isa't-isa. Ang hindi alam ni Jayson ay nahuhulog na sa kanya si Mary. Mabulaklak magsalita si Jayson at hindi nakapagtataka na mabilis mahulog sa kanya si Mary. Hindi nagtagal ay niligawan ni Jayson si Mary sa chat dahil nga nahihiya sila sa boss nila. Ilang buwan lang ay naging sila ng dalawa. Lumalim pa ang pagsasama nina Mary at Jayson.

Tatlong buwan na noon ng may mangyari sa kanilang dalawa. Nalasing si Jayson noong nag inuman sila ng mga katrabaho niya, dito na nga aksidenteng may nangyari sa kanila ni Mary. Dahil mahal niya si Jayson hindi siya nagsisi na may nangyari sa kanila at nagpatuloy pa ang ganung sitwasyon nila. Halos gabi-gabi ay may nangyayari sa kanilang dalawa at lingid ito sa kaalaman ng boss nila. Isang araw biglang natanong ni Jayson kay Mary kung bakit hindi pa siya nagkakaroon(menstruation) kasi napapansin ni Jayson na ilang buwan ng may nangyayari sa kanila subalit ni minsan hindi man lang nagsasabi si Mary na may period siya. Nabigla si Mary sa tanong ni Jayson at dito na din siya napaisip ng malalim at pati siya ay nagtaka din. Kaya nagpasya si Mary na bumili ng PT(pregnancy test) para makita kung buntis siya. At laking gulat niya ng makita ang resulta.

Hindi na nagulat si Jayson sa resulta pero napansin ni Mary na balisa si Jayson. Dalawang buwan ng butis si Mary ayon sa OB(ob-gyne). Ilang araw ng napapansin ni Mary na balisa si Jayson at parang matabang na din ito sa kanya. Hindi na napigilan ni Mary na magtanong kay Jayson. At parang binuhusan ng malamig na tubig si Mary sa sinabi ni Jayson.

"may asawa na ako at anak kaya hindi kita mapapanagutan"

Napakasakit ng salitang iyon para kay Mary. Halos gumuho ang mundo niya kasabay nito ay nalaman ng amo nila ang buong pangyayari at bilang isa sa patakaran nila ang bawal ang magkarelasyon sa trabaho, inalis nila si Mary sa kanyang trabaho bilang kasambahay.

Sobrang nasaktan si Mary sa mga nagyari sa buhay niya at binalak niyang ilaglag ang bata sa sinapupunan niya. Pero kahit anong inom niya ng gamot pampalaglag ay hindi umeepekto sa kanya. Kaya nung malilimang buwan na ang kaniyang tiyan ay huminto ito at itinuloy na lang ang kanyang pagbubuntis. Nagkaroon namn sila ng kasunduan ni Jayson na siya ang bahala sa kanyang panganganak at lahat ng gamit nilang mag ina.

At dumating na nga ang kabuwanan ni Mary. Isinilang niya ang isang sanggol na lalaki. Napakaputi nito at gwapo, kamukha niya ang kanyang ama. Napaluha na lang si Mary ng nasilayan ang kanyang anak. Nalungkot siya para sa bata na lalaking hindi kilala o makakasama ang kanyang ama. Hindi na ipinakita pa ni Mary ang kanyang anak kay Jayson. Nagpapadala na lang siya ng mga larawan nito sa messenger pero binubura din ito agad ni Jayson at baka makita ng kanyang misis.

Ngayon ay dalawang taon na ang anak ni Mary. Maayos na silang namumuhay mag ina dahil nakahanap na din siya ng bagong trabaho at nakahanap na din siya ng baging pag ibig subalit gaya ni Jayson ito din ay may asawa pero matagal ng hiwalay. Nagsasama na sila ngayon kasama ng kani-kanilang mga anak sa una at masayang nabubuhay. Ang pangarap ni Mary na magkaroon ng makakasama sa buhay na tanggap ang anak niya ay natupad na at masayang masaya ang anak niya dahil mayroon na din siyang tinatawag na papa..

At dito na natatapos ang love story ni Jayson at Mary.

Salamat po sa mga readers. Thank you for spending a time to read my simple article.

1
$ 0.00
Avatar for Jhaiy11
2 years ago

Comments