Isang umaga ako'y nagising
na may makulimlim na kalangitan
Tila ba may nag babadyang unos
Unos ng kahirapan
Umuulan?umuulan!
Umuulan ng hinagpis
May Humihiyaw ng "tulong tulong"
Umuulan ng abo?
Dali dali! ayan na ang kadiliman!
Animoy mga langgam
Na nag pulasan palayo
Palayo Sa kanilang dating
Tahimik na tahanan
Dumadagungdong!
Karimarimarim!
sa aking dibdib,
May takot at kaba
Sa aming paglikas
Katumbas ay buhay na maisasalba
Ngunit saan ako pupunta?
Kinabukasan ko, paano na?
Akala koy tapos na,
Hindi papala .
May mas masakit na dagok pa palang iindahin.
Quarantine? Lockdown?
Tila ba bago sa aking pandinig
Bawal lumabas oo bawal lumabas
Maswerte na kung meron kang sardinas
Ulam mo sa maghapon na BIGAS
/narinig ko lang kay yano
"Busog na sa tubig, gutom ay lilipas rin"/
Yung hindi mo akalain na
daranasin mo rin
Ulan...
Umuulan nanaman.
umiiyak.. ang aking mga matang di na mapigilang ipaalam ang pighating nadarama mula sa kalagayang aking kinasasadlakan
humahaplos... sa aking mga nalulunod na pisngi ang ulang nilikha ng aking mga mata
isang ngiti...mula sa aking labi ang pilit na isinisingit at pinaniniwala ang aking sarili na kaya ko pa.
umuusal.. ng maikling panalangin para sa lahat ng pilipinong gaya ko na pilit bumabangon at itinatayo ang mga paa
para sa pamilya...buong tapang na haharapin ang mag tampisaw sa ulan na ito ay ano pa ba?
Sa gitna ng kawalan ako ay humimlay
at Aking hiniling na sa aking muling pag mulat ,masayang tanawin na ang aking pag mamasdan
Umuulan?
Umuulan ng pagdamay
Umuulan ng simpatiya
Umuulan ng pagtulong
Pilipino hindi ka nag iisa
Pinanganak kang magiting
May tatag ang loob
Anumang bagyo ng buhay
Patuloy kang bumabangon
Padayon!
Umuulan..
Umuulan ng pag-asa
-jewel