Unang beses

0 2

Ito ang unang beses kong magsusulat sa site na ito, sana may mapala ako. Nakita ko lang itong in-post sa isang group sa facebook. Na enganyo ako at sinubukan. Sana maging kaisa ko din ang mga nandito. Ako'y tubong Tarlac, kasal ngunit hiwalay. May isang cute na anak, at mahal na mahal kong tunay. Wala akong trabaho ngayon, ngayong araw na ito kaya heto't nakatambay dito. Time check, 9:30pm. Ako nalang ang gising,nanonood pa kasi ako at nagta type dito. Haha

Ikaw, anong kwentong fibisco mo? Taga saan po kayo? Baka may kapitabahay ako dito. Like mo naman to, total wala ka din namang magawa tulad ko. Mahal ang kuryente, mahal din magload ng data kaya sana kahit pamalit load may mapala ako dito. Salamat sa pagbabasa, sa susunod mag papa published na ko na medyo nakaka aliw sa mata. Sa ngayon, kung ano lang maisip yun lang ita type. Subok lang, baka sakali. Baka sakaling maging tayo. Jk.

Sana matapos na itong Covid19, nakaka umay yung skeletal work force. Kakaunting kita, kulang pang gatas at diaper ni Borengs, palayaw ng anak ko. Ngunit mas madami pang Pilipino ang mas salat sa hirap kaysa sa akin, kaya wala akong karapatang magreklamo. Ipanalangin nalang na sana'y mahanap na ang lunas para sa epedemiyang ito. Nawa'y bumalik na sa dating normal ang lahat. In Jesus name, we pray.

Malapit ng matapos itong article na'to, kaunting scroll down mo nalang. Haha at kapag natapos mo, uulitin ko, click mo naman si thumbs up. Jk. Maganda siguro mag published dito ng mga kung anong maisip mo lang, yung bukal sa puso't damdamin mo. Aruy. Ang deep, kasing lalim ng kanal. Ay madumi pala yun, sige ng ocean nalang. Deep blue ocean. Parang gusto ko tuloy mag beach, kaso tag ulan na kaya wag nalang. Parang mema nalang itong article na'to. Hahaha

May mga mommies ba dito tulad ko? Kaway kaway naman dyan, I want to hear your thoughts about your child/children. Mahilig ako mag bakes, gumawa ng simpleng meryenda for kids. Nakakagaan ng pakiramdam yung makita mo yung mga ngiti nilang halatang nagustuhan yung ginawa mo. Magpublished nga din akong mga recipes dito, baka may magka interes. Hehe So, hanggang dito nalang muna tayo. Pagod na akong mag type, pagod ka na rin bang magbasa? Pasensya na kong medyo ampaw itong article na ito. Nextime, I will do my best. Para maaliw ka. Salamat kabayan! Stay well. Eat well. Bye! 😇

1
$ 0.00

Comments